Donna Cruz, ayaw nang pag-artistahin ng asawa

NAKASAMA namin si Donna Cruz sa tree planting ng PMPC sa Norzagaray Bulacan last Sunday kasama ang kanyang husband doctor na si Dok Jeong Larrazabal.

Bakas sa mukha ni Donna ang kasayahan at fulfillment nang pagiging wife at mother sa tatlo nilang anak ni Dok Jeong.

Nagtaka tuloy kami sa naglabasang noon na isang buttered wife si Donna dahil sa hitsura at kasiyahan nito nang makasama namin sa tree planting ay magdadalawang isip ka tuloy na gawa-gawa lang ang naglabasang isyu against her.

Sabi ni Donna mas gusto niyang makasama ang kanyang tatlong anak kaysa tanggapin ang offer na telenobela inaalok sa kanya ng iba`t-ibang network.

“Ayaw ko kasi mahiwalay sa mga anak namin ni Jeong, Mawala lang ako ng isang araw sa piling nila ay nami-miss ko na sila, Okey lang pagkanta pero magtaping ng tatlo or apat na araw ay hindi ko kayang malayo sa mga anak ko,” say ni Donna na di kumukupas ang kagandahan.

Katabi ni Donna ang kanyang husband kaya naglakas look na kaming ungkatin ang naglabasang buttered wife siya kaya biglang tumigil sa showbiz.

Natawa at hindi namin nakitaan ng pagkairita si Dok Jeong, ganoon din si Donna na biglang natawa dahil wala naman daw katotohanan na siya ay isang buttered wife.

“Butter wife siguro, hahaha, Ako nga ang madalas manakit sa kanya (Dok Jeong). Not true, Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha yang balitang sinasaktan ako ng husband ko, hahaha,” sabay yakap ni Donna sa husband.

Nandoon na rin si Dok Jeong, tinanong namin kung pinipigalan ba niyang magbalik showbiz si Donna?

“Eversince naman ay supportive ako kay Donna. Kung anong gusto niya ay di ko naman pinipigilan,” say ni Dok Jeong.

Ngayon ay active si Donna at Dok Jeong sa pagja-jogging. Would you believe everyday ay tumatakbo si Donna nang 10 to 15 kilometer. Kapag weekend naman ay tumatakbo siya ng 21 kilometer at madalas sumasali siya sa marathon contest mag-asawa.

Kahit na anong pilit namin magbalik showbiz si Donna ayaw talaga niyang maiwanan ng kahit isa o dalawang araw ang kanilang mga anak.

****

Kung si Donna ay tinatanggihan ang offer na dalawang higanteng network, kabaligtaran naman kay Joseph Bitangcol na dating alaga ni direk Manny Valera at ex-boyfriend ni Sandara Park.

Sa taping ng Paparazzi last Saturday ay nakatsikahan namin si Joseph para linawin na rin ang isyung naghihirap na ito at balik sa paglalako ng barbecue.

Sabi ni Joseph, totoong naghirap siya lalo nang atakin ang kanyang ama at natigil pa ang pagtitinda nila ng barbecue.

Nawalan pa siya ng project kaya ayun di malaman ang gagawin, Nagpunta sa mga kaibigan at humingi ng tulong.

Naglaho raw ang inaakala niyang mga kaibigan maliban kina Jason Abalos at Rafael Martinez na walang sawa tumutulong sa kanya hanggang ngayon.

“Ngayon ko lang nakilala kung sino talaga ang tunay na kaibigan, Sana mabigyan ako ng chance magkaroon ng pelikula. Ayoko na lang gumawa uli ng gay movie,” say ni Bitangcol na namumula ang mata dahil pigil ang pag-iyak.

****

Ayaw pa rin tantanan ng kanyang detractor si Marian Rivera kaya pati si Venus Raj na naging guest sa sitcom nila ni Manny Pacquiao na “Show Me Da Manny” ay ginagawan sila ng intriga.

Kesyo sinabi raw ni Marian na chaka naman pala si Venus kaya naging 4th runner-up lang sa nakaraang Miss Universe.

Nasa taping kami ng SMDM nang mag-guest si Venus at kitang-kita namin ang pagkagiliw sa isa`t-isa nina Marian at Venus.

Nagtatawanan at nagbibiruan pa ang dalaw na aakalain mo matagal nang magkaibigan pero doon lang sa taping nagkita ng personal at nagkaharap.

Ginawa ni Marian ay tinawagan niya si Venus para iparating na pinag-aaway lang sila dahil wala siyang sinabing ganoon kay Major! Major!

Maging si Venus mismo ay nagsalita na walang ganoon nangyari sa kanila ni Marian at okey daw sila.

So klaro may gumagawa talaga ng paninira sa labs ni Dingdong Dantes.

***

Nakakagulat pala ang prize na makukuha nang tatanghaling first Star Factor winner sa TV5. Aside sa cash prize, house and lot ay siguradong magiging big star ito ng Singko.

Ang maganda sa reality artista search ng TV5 ay mananalo rin ng house and lot ang mga magte-text ng gusto nilang manok sa contest.

Ang gagawin lang ng mga magte-text ay i-text lang nila kung sino sa palagay nila ang tatanghaling kauna-unahang Star Factor winner at prente magwawagi rin sila ng house and lot.

Siyanga pala hindi sa text vote ibabase kung sino ang dapat manatili or dapat matsugi sa Star Factor contestant.

Ang limang hurado ng contest ang magde-decide kung sino ang may karapatan magwagi. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply