Douthit ‘di kawalan sa RP basketball team sa Asiad

Hindi umano dapat panghinayangan ng RP men’s basketball team ang pagkawala ni Marcus Douthit.

Ito’y matapos sabihin ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Monico Puentevella na nanghihinayang siya sa  kabiguan ng Malacañang na mapagtibay ang Philippine citizenship ni American basketball player Douthit.

Ayon kay Puentevella, malaking kawalan sa RP basketball team si Douthit lalo’t malalaki ang kalaban ng mga Pilipino sa 16th Asian Games.

“Lalaban tayo, pero mahirap makuha iyong gold medal dahil ang lahat ng kalaban ay may imported player. Kaya malas tayo, hindi na napasa ang (citizenship bill). Sabi ng Malacanang, wala ng panahon,” ayon kay Puentevella.

Maalala na sa kalagitnaan ng budget deliberation ng Kamara, hinabol ng mga kongresista ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng Philippine citizenship si Douthit.

Ang American player ay dating manlalaro ng Los Angeles Lakers at isa sa tinitingnang malaking pambato ng Pilipinas sa Asiad at 2011 Fiba Asia Championship sa Beirut.

Ayon naman sa mga kritiko, hindi dapat maging basehan ang pagiging basketbolista ng isang dayuhan na kumikita sa bansa ng milyones para bigyan ito ng citizenship.

“Kaya tuloy nauuso sa Bureau of Immigration ang citizenship for sale,” wika ng  kritiko.

Pwede pang bigyan siya ng citizenship kung talagang para sa bayan ang kanyang serbisyo o maglalaro siya ng libre para sa national team, subalit itong si Douhit ay binabayaran ng milyones upang maglaro sa bansa, dagdag ng kritiko.

May nagsabi pa na ayaw naman ni Douthit na maging Pinoy at pinipilit lang siya ng ilang maimpluwensiyang tao.

“Bakit natin siya gagawing instant Pinoy, e wala naman itong naging serbisyo pa sa bayan, anak ng teteng talaga ang mga opisyal sa bansa natin,” galit na wika ng kritiko.

“Isipin natin ang kaso nitong si BAP Secretary General Graham Lim na matagal ng naglingkod sa bayan upang maitaguyod ang larong basketball, subalit nakagugulat na bigla na lang itong inaresto ng BI agent at iniutos pa ng Korte Suprema na ipatapon ito sa ibang bansa. Iba talaga ang bansa natin, kapag may pera ang lumalakad ng dokumento, mabilis, pero kung walang pera na katulad ni Lim, siguradong kakawawain ka,” dagdag ng kritiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply