Drilon: 3 embahada lulusawin

NAIS ni Sen. Franklin Drilon na lusawin ang maliliit na embahada, partikular ang tatlong tanggapan ng bansa sa Europa, upang makatipid ang pamahalaan.

Sinabi ni Drilon na dapat bawasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang  operasyon ng embahada at konsulado sa labas ng bansa upang ang gagastusin dito ay magamit sa paghahatid ng ibang serbisyo publiko.

Partikular na tinukoy ni Drilon ang mga embahada sa tatlong magkakalapit na bansang Romania, Hungary at Poland.

Aniya, mayroong lamang na 377 Filipino sa Romania, 170 sa Hungary at 245 sa Poland.

Umaabot lamang umano sa $80 milyon o P3.46 bilyon ang kalakalan sa Romania at Hungary at $51 milyon o P2.2 bilyon sa Poland.

Aniya, dapat rebyuhin ng DFA ang pamantayan sa pagtatayo ng embahada ng Pilipinas sa abroad at matukoy kung kinakailangan talagang magtayo ng tanggapan sa isang partikular na bansa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply