Drs. Manny and Pie Calayan, apektado sa relasyon ng pamangkin kay Selina

KARARATING lamang ni Dr. Manny Calayan mula sa USA at agad nitong inalam kung may isyu silang mag-asawa na may kinalaman sa pakikipagrelasyon ng kanyang pamangkin na si Lalen sa hot mama singer na si Selina Sevilla.

Unang tanong agad sa amin ng celebrity surgeon kung dawit ba siya sa isyung pag-iibigan ng kanyang pamangkin sa kapwa babae at sa balak nilang pagpapakasal ngayong Disyembre. Marami siyang text message na natanggap na tinatanong siya kung bakit nito kinokonsente ang pakipagrelasyon ng kanyang pamangkin sa mang-aawit.  Ang matindi, pati si Dra Pie na nananahimik sa pagma-manage ng kanilang Calayan branch sa Beverly Hills ay dawit din sa isyu.

“Hindi totoong kinokonsente ko si Lalen sa pakikipagrelasyon kay Selina pero pagdating sa suporta, in full force ang support ko naman sa kanya.  Hindi ako nakikialam kung magkarelasyon sila ni Selina ang sa akin lamang sinusuportahan ko ang kanyang gustong gawin sa kanyang buhay.

“Natural naman na hindi sa lalaki siya papatol pero ang sa akin lang, huwag masyadong gawing maingay dahil dito sa atin hindi pa masyadong tanggap ang relasyong babae sa babae. Masyado kasing publicized eh, alam ko naman na may mga nakarelasyon na yan noon pero tahimik.”

Alam ni Dok Manny na isang celebrity si Selina kaya natural lang na pag-uusapan ang pakikipagrelasyon nito, ma-lalaki man o sa kapwa babae na nataon lamang na pamangkin niya ang involved.

RUFFA, SUMABOG SA PAGTANGGI NI JOHN LLOYD SA TAWAGAN ISYU

Lumabas ang tatak ‘Annabel Rama’ kay Ruffa Gutierrez noong Linggo sa Paparazzi dulot ng naging pahayag ni John Lloyd Cruz na iiwasan na nito ang aktres para na rin sa ikakatahimik nilang dalawa.  Hindi maganda ang dating ng nasabi ng aktor dahil parang lumalabas na ang TV host ang humahabol sa aktor.

Kaya sa Paparazzi ay biglang sumabog ang TV host sa  paglilitanya, “Please John Lloyd, walk your talk and practice what you preach.  It’s not enough that you’re cute and lovable, you have also to have a backbone at kung hindi mo kayang panindigan ‘yong mga ginagawa mo, huwag mo na lang gawin at huwag mo na akong tawagan because I’ve better things to do.”

Earlier ay nagpahayag si Ruffa na wala siyang nakitang masama kung nagtatawagan sila ng aktor dahil kahit nagkahiwalay na sila ay naging magkaibigan naman sila.  Marami siyang pruweba na magpapatunay na ang aktor ang tumatawag sa kanya, mayroon siyang mga text messages at videos.

Sa puntong ito, dapat to be blamed sa paglaki ng isyu ay mismo ang aktor dahil sa hindi nito pag-amin pero nag-usap na ang dalawa na lalagyan na nila ng tuldok ang kanilang isyu at hindi na sasagot sa mga tanong tungkol sa kanila.  Nangako na ito sa mga taong concerned na hindi na sasagot sa mga tanong na may kinalaman sa kanila ng aktor.  “I just want to make it clear na hindi kami nag-aaway ni John Lloyd.
Nag-usap na kami and we’re heard very fine.  Pag-uusapan man kami, tatahimik na lang ako.”

Sa The Buzz thru video interview, nagpahayag ang aktor na gusto na nitong lagyan ng tuldok ang isyu.

Aniya, “It’s time to make it public na maybe it’s now the right time for me to stay away from her.  Sobra na eh, parang sagad na sagad na ‘yung pang-aano sa akin.  Parang masyado naman akong napapasama na and parang na-realize ko lang na dapat magsalita. ”

Ikinatuwa ni Ruffa ang pahayag ng aktor pero may panghinayang ito dahil kung noon pa sana ito umamin ay walang magiging isyu at walang ibang taong maapektuhan.   Kung nais daw ng aktor na tuluyang lumayo at umiwas sa kanya, sana raw ay panindigan ito ng aktor dahil ito naman daw ang lumapit sa kanya noon.

Umaasa ngayon si Ruffa na hindi naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan ng mga taga-Star Magic lalo kina Ms Mariole at Mr M. Bilang karagdagan, “Dahil sa kanyang (JLC) indecisions sa buhay at mga patawag-tawag niya at hindi alam ang ginagawa niya, maraming nasasaktan.  So, if i were you JL, just be happy with your life and let’s stop all these because it’s really not worth it.” Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply