Dugo-Dugo Gang tumangay ng P2M

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang kilabot na Dugo-Dugo Gang makaraang makulimbat ang mamahaling alahas na nagkakahalaga ng P2 milyon na  ibinigay ng isang katulong sa Lungsod Quezon kamakailan.

Kinilala ni Supt. Constante Agpaoa ang katulong na si “Norie” (hindi tunay na pangalan), 17, na inireklamo ng biktimang si Grace Rosal, 39, may-asawa,  at nagtatrabaho sa administration department ng Armed Forces Savings and Loan Association Inc. (AFSLAI) bilang executive secretary.

Lumitaw sa pagsisiyasat na naabutan ni Rosal ang kanyang kuwarto sa ikalawang palabag na nagkalat ang gamit at ang dalawang kabinet na pinaglalagyan ng alahas  ay wasak na.

Iniwan ng biktima ganap na 9:30 ng umaga kahapon ang kanyang bahay sa 310-C Sct. Reyes st., Brgy. Roxas District, Lungsod Quezon sa pangangalaga ng kanyang kasambahay. Ayon sa pinsang si Rosemarie Mercado, 28, bago maganap ang insidente ay nilapitan siya ni Norie at humingi ng tulong.

Anito, nakatanggap umano siya ng tawag sa telepono mula sa isang Michael Gonzales, sekretaryo raw ng St. Luke’s Medical Center na nagbalitang nasangkot sa vehicular accident at naka-confine sa ospital si Rosal.

Nangangailangan daw ang biktima ng malaking halaga para pambayad sa ospital kasabay ng utos na buksan ang kabinet at hanapin ang mga alahas.

Pagsapit sa ospital ganap na 1:45 ng hapon, nakatanggap muli ng tawag si Mercado mula sa suspek na ibinigay ang landline nito para siya ay tawagan siya.

Sa pag-uusap sa telepono, sinabi ng suspek na kritikal ang biktima at hindi makapagsalita dahil sa tinamong sugat sa bibig. Binilinan din umano ang kasambahay na  kasabay ng nasabing dapat ay sikreto lang ang nangyari. Ilang sandali pa ay nagpasya si Mercado na pauwiin ng bahay si Norie para kumuha ng mga damit na masusuot, hanggang  hindi na bumabalik ang huli dahilan para magpasya ang una na umalis.

Dahil nagduda sa sitwasyon, nagpasya si Mercado na tawagan ang biktima. Dito niya nakumpirma mula sa huli na walang aksidenteng naganap. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply