E.O. No. 2 ibinasura ng SC

NAKIUSAP si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa mga mahistrado ng Korte Suprema na lawakan ang kanilang pananaw at ipamalas ang pagtataguyod ng interes ng nakararami matapos salungatin ng mga ito ang Executive Order No. 2.

Pinababawi ng EO No. 2 ang mga umano’y “midnight appointments” ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, “because the previous administration had exceeded and abused the limits of its powers to appoint.”

Sinabi nito na kailangan niyang magpalabas ng EO No. 2 dahil maraming indibiduwal ang tumanggap ng illegal appointments.

“We are all at the service of our people. We hope that they will broaden their view and see the implications of this singular act,” wika ni  Pangulong Aquino.

Sinabi pa ni Pangulong Aquino na posibleng maka-impluwensiya ang ginawa ng Korte Suprema sa mga sumubok na maging kapit-tuko sa puwesto dahil gaganahan ang mga ito na humirit ulit  na mabigyan sila ng posisyon o makabalik sa puwesto.

Gayunman, hindi lahat ay sakop ng kautusan ng Supreme Court na status quo ante order kaugnay sa nasabing isyu.

Sinabi  ni Presidential Communications Operations head Sonny Coloma na ang pinagbigyan lamang ng Mataas na Hukuman ay ang opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), na naghain ng petisyon upang kuwestyunin ang desisyon ng Pangulong Aquino na nakapaloob sa Executive Order No. 2. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply