Edad

NAGBALIK siya sa pagtuturo mula ibayong lupalop, naging panauhing pandangal sa sangkatutak na pagtitipong pantasan, binigyan pa nga ng doctorate… honoris causa… hindi naman mabigyan ng trabaho, eh, idolo pa naman siya ng isang naging pangulo ng National Press Club… iba na talaga ang may edad.

Inawitan ako ng isang katoto, ihanap ko raw ng kayod… sulat naman agad noon sa Manila Chronicle, apuhap… namamalimos ng pagsasalpakan sa kanya…

(Napulot yata ni Sonny Ubana ang ganitong diskarte, susulat sa kung sinu-sinong senador, kinatawan, local and global foundations…aamot ng tulong para sa kanyang pinamumunuan sa Lopez, Quezon… hindi na kailangan ng petisyong pirmado ng sandosenang barangay o bata-batalyong botante, aksaya pa sa papel ang gano’n… ganito rin ang diskarte ng isang punong-barangay sa Nueva Ecija kaya nabubuhusan ng katas ng pork barrel at samut-saring proyekto ang kanyang balwarte.)

Ang totoo, hindi naman ako hanga kahit sa mga sinulat niya… gumagalang lang sa nakatatanda… nakahalubilo nga minsan sa isang pagtitipon, mas madalas ang ilandang ng hinagpis sa mga dinaramdam sa katawan.

(Nasa ganoong edad ang isa kong hinahangaan– Li Ching-Yuen, batikan sa qigong at pananalapsap ng mga halamang-ligaw– nang mahirang na tactical adviser at tagapagturo ng unarmed combat sa mga kawal ng hukbong katihan ng China.)

Nahirang na National Artist sa huli, mas paldo na ang tanggap ng kita niya mula taxpayers… At awa ng Diyos, pumanaw na rin kaya naibsan ang bayarin ng buwis.

Pero mas humahanga ako hanggang ngayon kay Jullie Yap Daza. Sa pagsusulat. Lalo na sa pagtugon niya sa hinihinging limos noon.

Pagbuntot kay Jullie ang hihinging hiling sa nagsasara ng Op-Ed page kaugnay nitong nakalipas na 10-10-10… aba’y magkakasunod na pompiyang sa jueteng. And since 10 is supposedly a perfect number, such a date is purrfectfect… Pakidagdag na lang po sa unang pangalan ko ang isa pang G—Dongg… para umaalingawngaw na batingaw ang tunog.

Para sa tuusan, umabot sa numero tres ang kabuuang bilang ng mga titik sa pangalan. Kasi, tatlo katao ang kahulugan ng “dong,” hinango mula wika ng Canton… sarap talaga.

Pakisuyo pa: St. Nicholas Academy (SNA), once known as Castillejos Academy, celebrates its 63rd Annual Alumni Homecoming December 26, 2010 at the SNA Quadrangle in Castillejos, Zambales.

SNA is a secondary school run under the auspices of the Catholic Diocese of Iba, Zambales. Since its founding year in 1947, over 20,000 have graduated from the school.

Sponsored by Batches 1970,1985, and 2005, reunion activities include the Traditional Town Parade to be participated by different batches a week before the homecoming, publication and launching of the Excelsior, a commemorative yearbook cum souvenir program, a music video, the Grand Homecoming Party; and the Golden Jubilarian Award for distinguished alumni and Mentor’s Recognition Awards for faculty members who have served in the school for more than 25 years.

For information and further inquiries please contact: In Manila:  Mr. Roland Cabigas, 25 Marunong St., Brgy. Central, Diliman, Quezon City (E-mail: rolandcabigas@yahoo.com // cell phone:  0920.905.35.11 or in Zambales: Ms. Arlene Navalta, San Nicholas, Castillejos Zambales. (E-mail: rln_navalta@yahoo.com // cell phone: 0929.648.99.04. Dong delos Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply