Election Day, di Holiday?

WALA  pang desisyon ang Malakanyang kung holiday sa Oktubre 25, araw ng Barangay at SK elections sa bansa.

Sinabi ni Communications Operations Sec. Herminio Coloma na wala pang lumalabas na opisyal na pahayag  ang Malakanyang ukol dito subalit kung ang pagbabatayan aniya ay ang mga nakaraang karanasan ng mga Filipino ay idineklara itong non-working holiday.

Sa ngayon aniya ay mabuting hintayin na lamang muna ang mga opisyal na pahayag na manggagaling sa tanggapan ng Executive Secretary.

“Marahil po ay  hindi na  po magtatagal at ito po  ay aaksiyonan na para mailahad na sa ating mga kababayan,” ayon kay Sec. Coloma. Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply