Empleyado buking sa ipupuslit na cable wire

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang empleyado makaraang magpuslit ng cable wire na inilagay sa bag na nasiyasat ng security guard, sa Angono, Rizal.

Ang suspek na naaresto ay si Resty Ventura, 23anyos, empleyado ng Meralco sa ML Quezon Ave. Brgy. San Isidro, sa nabanggit na bayan.

Naganap ang insidente banding alas-3:30 ng hapon kamakalawa nang ang suspek ay papalabas na sa kanilang tanggapan at dumaan sa main gate.

Nang kapakapan siya ng guwardiya na si Eduardo Intilon pati na ang kanyang bag ay doon natuklasan na may ipinuslit ang suspek na cable wire na nagkakahalaga ng P400.

Dahil dito ay  hindi na pinawalan pa ang suspek ng guwardiya at dinala sa himpilan ng pulisya para ireklamo saka ipanagharap ng kaukulang kaso ng representative ng kompanya na si Vicente Abuyog. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply