Erich, Enchong tandem, threat sa Kimerald

WE WERE pleasantly surprised sa ganda ng pelikulang “I Do” nina Erich Gonzales at Enchong Dee. Kami ay natawa at naiyak sa kanila bilang young lovers sa movie na kaagad na naging mga batang magulang at dalawang beses hindi natuloy ang kasal bago sila finally nakapag-sabi ng “I do” sa isa’t isa habang naka-wheelchair si Enchong at iyak nang iyak si Erich (hindi na namin sasabihin kung bakit, para hindi ma-preempt ang movie).

Hinog na nga ang tambalang Erich at Enchong pagkatapos ng tatlong teleserye (Katorse, Tanging Yaman at Magkaribal) at isang indie film (Paano Ko Sasabihin).

We really think they are the biggest threat now sa Kim Chui-Gerald Anderson loveteam pagkatapos sa tuluyang pagwasak ng Melissa Ricks-Matt Evans sa pagpasok ni Jake Cuenca sa puso ni Melissa. We could even boldly say na mas nagustuhan namin ang pelikulang “I Do” kaysa sa lahat ng nagawa nang pelikula nina Kim at Gerald combined.

Malaking factor dito ang napakagaling na director ng pelikula na si Veronica Velasco na kilala sa mga obrang indie films na ginawa niya tulad ng “Last Supper No. 3” (topgrosser at best picture ng Cinemalaya 2009) at “Maling Akala” (a fake marriage between a gay and a girl superbly played by Victor Basa and Jodi Sta Maria). Aba may timing si Direk Veronica sa comedy at magaling din siyang magpaiyak. Pwede na siyang sumunod sa mga yapak nina Direk Cathy Garcia at Direk Wenn Deramas.

Napakagaling din ng supporting cast na kinabibilangan nina Dennis Padilla, Pokwang, Janus del Prado, Melai Cantiveros at Alwyn Uytingco. Pansin na pansin dito si Janus bilang lalaking bestfriend ni Erich na panay ang quote ng mga kataga patungkol sa pag-ibig tulad ng “Ang pag-ibig ay parang MRT, huwag nang ipagsiksikan ang sarili kapag wala nang lugar”.

Gustung-gusto naman namin ang eksena ni Pokwang na lumabas sa sala ng kanilang bahay na naka-bathrobe at may tuwalyang nakabalot sa ulo niya na kunwari ay nagulat sa biglang pagdating ng kanilang mga balae. “Sorry ha, hindi ko alam na darating kayo hindi tuloy ako nakapahganda,”dialogue ni Pokwang sabay tanggal sa bathrobe niya at tuwalya sa ulo para ipakita ang suot niyang formal dress at headgear!

101% sure kaming magiging blockbuster ang “I Do” lalo na sa “word-of-mouth” na mangyayari sa mga tao kung gaano ito kaganda!

**************

Gustong ipaabot sa lahat ni Kris na hindi niya kagustuhan na mawala sa Pilipinas Win Na Win show and it was the management decision to furher boost the ratings of the show.

Pero siyempre, Kris will not come home empty handed dahil balita ring ibabalik na ang kanyang game show na Deal Or No Deal. Kaya balik-primetime na naman si Kristeta in her very own show!

Ang gusto naming makitang bumalik sa Pilipinas Win Na Win ay sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil may rapport na sila sa audience kasama si Pokwang. I think ito lang ang magiging solusyon para tumaas ang ratings ng PWNW kasi well-loved ng mga tao at staff si Robin!

Ang problema lang ay ang schedule ni Robin from the very start dahil gagawin nila ni Mariel ang pelikula nila sa India at may sisimulan na rin silang sitcom. Tonee Coraza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply