Erik Morales, undercard sa Pascal vs. Hopkins

Muli umanong aakyat ng ring sa Disyembre si three division world champion Erik Morales bilang attraction sa Jean Pascal-Bernard Hopkins light heavyweight title.

Ayon sa report, ang nasabing laban ni Morales ay magiging sukatan sa niluluto namang showdown nila ni Juan Manuel Marquez sa taong 2011.

Maalala na nitong nakaraang buwan lamang, tinalo ni Morales si Willie Limond sa loob lamang ng six rounds sa kanilang pagharap sa Monumental Plaza de Toros Mexico, Mexico City.

Bagama’t medyo may kabagalan na ang diskarte sa ibabaw ng ring ng Mexican boxing legend, pero nagawa pa rin nitong pabagsakin ang tinaguriang “hands of steel” na si Limond sa pamamagitan ng tatlong sunod-sunod na body shots.

Sa naturang panalo, nasungkit ni Morales ang bakanteng WBC diamond super lightweight championship.

Sa ngayon target ni Morales na maging unang Mexican boxer na merong apat na world titles sa iba’t ibang weight classes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply