Estado laban sa simbahan

LALONG sumisidhi ang girian ng Estado at Simbahang Katolika kaugnay ng kontrobersyal na Reproductive Health Bill na malaon nang isinusulong sa Kamara.

Alam na ng nakararami na layunin ng RH Bill ang pagsusulong ng artificial birth control methods “to arrest the alarming growth rate in the country.” Ito lang daw ang ligal na paraan upang malimita ang laki ng pamilyang Pinoy para maib-san ang paghihikahos ng marami.

Nakatitiyak pa raw ang maliit lang na bilang ng pamilyang Pinoy na mapag-aaral ng mga magulang nito ang kani-kanilang mga anak tungo sa magandang kinabukasan at seguridad ng huli.

Ang RH Bill ay mariing tinututulan ng Simbahan, lalo na ang pamunuan at kaanib ng Catholic Bishops Conference of the Philip-pines. Ang tradisyunal na posisyon kasi nila hinggil sa family planning ay heto: ang NATURAL FAMILY PLANNING METHOD lang ang pinapayagan ng moral law at doktrina ng Simbahan.

“Human life begins at conception,” paniniwala ng Simbahan. Pagka na-fertilize na ang ovum (semilya ng babae), ito ay  BUHAY/TAO na! At ano man ang gagawin sa katawan ng ina na hahantong sa pagkamatay o ekspulsiyon ng ferti-lized ovum na ito ay isang gawaing ABORSYON na kinokondena nila.

Kinokondena din ng CBCP ang paggamit ng contraceptives dahil sa paniniwala nilang ang ilan sa mga ito ay abortifacient o nakapapatay ng fertilized ovum.

Dahil sa mariing pagtutol ng Simbahan, hindi makapasa-pasa sa Kamara ang RH Bill. Kaya naman dinanas ng panukalang ito ang ilang rebisyon. Nang unang ilunsad ito noong 1999 sa 11th congress, 75 milyon pa lang ang populasyon ng Pinas. Nang ire-file ang revised version nito, ang House Bill 96 o   “Reproductive Health and Population Development Act of 2010,” ay 94.3 milyon na tayong lahat.

Nabuhayan ng loob ang mga proponent ng RH Bill nang makatagpo sila ng unlikely ally sa katauhan mismo ni PNoy. RESPONSIBLE PARENTHOOD ang kinampanya at adbokasya ni PNoy at bahala ang kada pamilya sa laki nito.  Nasa kanila ang HULING desisyon, pagkatapos na ma-inform/maturuan sila ng iba’t ibang pamamaraan ng family planning.

Dito na nagwala ang mga taga CBCP at ilan sa kanila ang nagbanta na ipae-EX-COMMU-NICATE ang Pangulo at isusulong ang opsyong CIVIL DISOBE-DIENCE sa mamamayan.

Sa bandang huli na natin ipapaliwanag kung kaninong grupo tayo papabor sa maselang isyung ito.

Samantala, bigyan muna natin ng ideya kung bakit nakasanayan na ng Simbahan ang MANGHIMASOK sa pamamalakad ng pamahalaan sa bansa sa susunod na araw. Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply