Estebador binoga ng kaalitan

BINARIL habang nagsasagawa ng vigil ang isang lalaki nang balikan ng dati nitong kaalitan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Santos, 41, miyembro ng “Commando Gang”, estebador ng Makro sa North Harbour, at nakatira sa  23 Moriones st., nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Michael Lopez, 35, may-asawa, miyembro ng “Sputnik Gang”, ng 227 Paghanapin st., Tondo.

Sa ulat ni PO1 Roderick Pacian, dakong alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Zabala corner Kagitingan sts.

Nasa isang vigil ang biktima nang umalingawngaw ang putok ng baril kung saan nakitang nakahandusay na lang sa simento ang biktima.

Si Santos ay kaagad na naisugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital subalit binawian din ng buhay.

Matagal na alitan naman ang nakikitang motibo sa pamamaril dahil ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ay nasaksak na rin ang biktima pero nakaligtas.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply