Estudyante binugbog, sinaksak ng 2 kabataan

PINAGTULUNGANG bugbugin at saksakin ang isang high school student ng dalawang kabataan, sa C-4 Road,  Bgy. Longos, Malabon City.

Ang biktima ay nakilalang si Arnold Fernandez, 15 anyos, estudyante, residente ng Phase 5, Gozon Complex, Letre, Tonsuya, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang nakalalayang dalawang hindi nakikilalang  kabataan na responsable sa pagtangkang pagpatay sa biktima.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Edcel Dela Paz, dakong alas-dos kahapon ng madaling araw  ay naglalakad pauwi ng bahay  ang biktima mula sa pasyalan, nang biglang salubungin ng dalawang suspek at binugbog.

Pero  nang tangkang manlaban ang biktima ay nagbunot ng patalim ang isa pa at tinarakan ang biktima na ikinatumba nito sa semento.

Makaraan ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang mga suspek, habang ang biktima ay dinala ng nagmagandang loob sa pagamutan. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply