Estudyante dedo sa espada ng kaeskwela

NAMATAY ang isang estudyante ng haiskul makaraang tusukin siya sa leeg ng espada o baton sword ng kapwa estudyante sa bayan ng Jones, Isabela kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Jaymar Badillo, 18, third year high school, ng Dicamay, Jones habang ang suspek ay  si Junior (‘di tunay na pangalan), 14, ng nasabing bayan.

Naganap umano ang pangyayari dakong alas 9:30 ng umaga noong Setyembre 29, 2010 habang recess sa campus ng Jones Rural High School.

Pinaglalaruan umano ng biktima at suspek ang espada na gamit sa kanilang citizen’s army training ngunit aksidente itong naitusok ng huli sa leeg ng una na dahilan ng kamatayan ng biktima.

Inihayag ng pulisya na ipinaubaya na sa Department of Social Welfare and Community Development ang pag-aalaga sa menor de edad na suspek.   Fred Cabalbag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply