Farmers lumusob sa Camp Bagong Diwa

HUMIGIT-KUMULANG sa 100 militanteng magsasaka ang lumusob kahapon sa Camp Bagong Diwa upang hilingin kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagpapalaya sa mga tinaguriang “Morong 43,” na nakapiit sa nasabing bilangguan.

Bitbit ang 43 pulang krus, pinunit ng militanteng grupo ang larawan ni Pangulong Aquino bilang pagpapakita ng protesta sa patuloy na pagkakapiit ng Morong 43.

Hinamon ng grupo ang Pangulo na ibasura ang isinampang kaso sa kanilang mga kasamahan, pati na sa 344 political prisoners.

Ito ay makaraang lagdaan ng Pangulo ang Presidential Proclamation No.50 at magbigyan ng amnestiya ang 300 rebeldeng sundalo na nahaharap sa kasong coup d’ etat noong Arroyo administration. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply