Fer Taboy, tigasin ng Brgy. Manresa, QC

Silipin natin ang Brgy. Manresa, Quezon City na doon naghahangad ng pagbabago ang mga residente rito. Sa nakalipas kasi na dalawang termino o anim na taon na nagmunini bilang punong barangay si Atty. Ronnie Ada ay hindi man lang daw nakitaan ng pagbabago ang kanyang barangay.

Tama na, sobra na ang pagbibigay ng mga residente sa kanilang kasalukuyang tserman. Nais naman nilang subukan ang isang ni-rerespetong mediaman na si Fer Taboy.

Malaki ang magagawa ni Taboy kung sakaling siya ay palaring manalo bilang  punong barangay sa kanilang lugar sa Brgy. Manresa. Ang mga pangarap ng mga taga-Brgy. Manresa ay kay Taboy lang nila makakamtan.

JJ ANTIPORDA SA SAN  ISIDRO, P’QUE

Sa San Isidro, Parañaque naman, walong taon na pagseserbisyo bilang Executive Officer ang taglay ng anak ng beteranong journalist na si Jess Antiporda ng Peoples Journal na si JJ Antiporda.

Hinog na hinog na siya sa kalakarang pambarangay kaya puwede nang maging Kagawad ng Brgy. San Isidro.

Sa pagiging Ex-O, halos buong barangay ng San Isidro ay nakadaupang palad na niya.

Kaya naman damang-dama ni JJ Antiporda ang damdamin ng kanyang mga kabarangay.

PETER MONTALBAN SA BRGY. 33, CC

Small but terrible ang mamang ito pero garantisado na kapag siya ay nahalal na Kagawad ng Brgy. 33 Zone 3  ng Guido 1, Maypajo, Caloocan.
Maliit man ang height ni Montalban, malaki ang magagawa niya sa kanyang barangay dahil sa marami siyang kilalang tao na madali niyang lapitan at maiparating ang lahat ng mga problema at pangangailangan ng kanyang barangay.

O ha,’ ano pa, e di mag-Peter Montalban ka na ? Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply