FEU woodpushers nagpasiklab sa Tuguegarao

NAGPASIKLAB ang mga bataan ni Far Eastern University coach GM Jayson Gonzales matapos ang matagumpay na pagdaraos ng PACE Tuguegarao Open Chess Festival 2010 sa Tuguegarao.

Nakopo nina FEU woodpushers Vince Angelo Medina at Paul Robert Evangelista ang 1-2 puwesto sa kiddies division sa prestihiyosong event sa taong ito na inisponsoran ng Compuserve Land Surveying Company of Engineers Abraham Cuaresma at A-Bee’z Express Travel and Tours ni Ma. Theresa Cuaresma.

Perfect 7 points si Medina sapat upang masolo nito ang P5,000 top purse habang kasalo si Evangelista sa second to fourth placers subalit dahil sa mataas ng tie-break point nakuha nito ang P2,167 at second place trophy.

Pumanglima naman si McDominique Lagula na may 6 puntos kapareho ang kapwa FEU chesser na si Janelle May Frayna subalit lumanding ang huli sa 11th place habang ang pamangkin ni PACE president Jayson Gonzales na si Mark Gonzales ay nakopo ang 20th place na may total 5.5 puntos.

Sa Open division fourth placer si FEU assistant coach NM Alex Milagrosa habang nakuha ni Rulp Ylem Jose ang top lady matapos umiskor ng
6 pts.

Si Jose ay member ng RP women’s team sa katatapos na 39th World Chess Olympiad sa Russia.

Samantala, si former FEU ace placer noong 80’s Bong Vehemente ay nakuha ang 15th place sa open division matapos tumikada ng 6.5 puntos. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply