FIFA officials na sabit sa bribery, suspendido na

Agad na sinuspinde ng international football governing body na FIFA ang dalawang executive committee members at apat na mga lower-ranked officials na sumabit sa umano’y World Cup vote-selling scandal.

Maalala na una ng pinaharap sa ethics probe sina Amos Adamu ng Nigeria at Reynald Temarii ng Tahiti dahil sa kinasasangkutang iskandalo.

Ayon kay Claudio Sulser, chairman ng FIFA’s ethics committee, muli nilang ipapatawag ang dalawa sa susunod na  hearing sa Nobyembre.

“Today is a sad day for football,” ayon naman kay FIFA president Sepp Blatter kaugnay sa insidente.

Una rito, pinangalanan sa isang media report sina Adamu at Temarii na umano’y humihingi ng pera kapalit ng kanilang suporta sa bidding.

Sina Adamu at Temarii, ay kasapi ng 24-member committee na siyang boboto para sa magiging host ng international football event sa taong 2018 at 2022.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply