Flower arranger patay nang mahulog sa dyip

NASAWI  ang isang lalaki nang mahulog habang bumababa sa sinakyang dyipni kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Patay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Noriel Matining, flower arranger, naninirahan sa Dangwa, Laong Laan st., Sampaloc, Maynila, dahil sa matinding sugat sa ulo at katawan.

Sa ulat, dakong 9:50 ng gabi nang naganap ang insidente sa Quezon Blvd., ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay sakay ng hindi naplakahang pampasaherong jeep nang bumaba ito. Ngunit biglang pinaandar ng di nakilalang driver ang naturang sasakyan.

Dahil dito nawalan ng panimbang ang biktima at nahulog. Tumama ang ulo nito sa  semento na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang pulisya sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply