Forbidden technique gagamitin ni Margarito kay Pacman

Isiniwalat kahapon ng chief trainer ni Antonio Margarito na may formula na silang nakahanda upang gamitin sa pagdurog kay Manny Pacquiao sa Nobyembre 14.

Ayon kay Roberto Garcia, gagamitin nila ang isang forbidden technique upang hindi mapahiya si Margarito sa laban at tuluyan ng malinis ang pangalan nito sa larong boksing.

Malupit na training umano ang pinagdadaanan ngayon ni Margarito upang magamit ang kanyang secret weapon na siyang magpapadapa sa ring kay pound for pound king.

Nagbabala rin si Garcia na huwag nilang maliitin ang kakayahan ni Margarito dahil sa ngayon ay kinakabisado na nito ang formula na tatalo kay Pacman.

Sinabi ni Garcia na labis-labis ang kanilang pag-aaral sa ring tendencies ng Pinoy champion at iyon daw ang kanilang ipapatupad sa plan strategy.

Inihayag rin ng Oxnard, California native ang isa pang motibasyon nila para pag-igihan ang training. Gusto umano nilang i-upset at talunin ang multi-awarded boxing trainer na si Freddie Roach.

Sa ngayon ay nasa high level training sina Garcia at Margarito sa isang boxing gym sa Oxnard at sumalang na rin sila sa sparring sessions.

Ayon naman sa fans, alam na nila ang secret formula na gagamitin ni Margarito at ito ay ang pandaraya.

“Kilalang mandaraya si Margarito at siguradong gagawa ito ng paraan upang maipasok agad sa kanyang gloves ang mga matitigas na bagay upang makakuha ng advantage sa laban nila ng pambansang kamao,” ayon sa mga fans.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply