Frat member sinaksak ng kalaban

SUGATAN ang isang miyembro ng Tau Gamma Phil fraternity nang saksakin ng kaaway na kaanib naman ng Magic 5, sa Tondo, Maynila.

Ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Edison Evangelista, ng 180 Sta Fe st., ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na isang alias Louie, ng Brgy. 123, Road 10,  na tumakas matapos ng insidente.

Sa ulat ni Supt Rogelio Rosales,  dakong alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sta Fe St., Tondo.

Naglalakad ang biktima kasama ang isang Axel Son Terenso nang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at walang sabi-sabing sinaksak ang una.

Ayon kay Rosales, ginantihan lang ang biktima dahil nauna nitong binugbog ang suspek. Jocelyn Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply