French national, tumalon sa mall

NABIYAK ang ulo ng isang French national matapos tumalon sa ikatlong palapag ng kilalang mall, kamakalawa ng gabi, sa Ermita Maynila.

Kinilala ni Insp. Armando Macaraeg, ang biktima na si Battail Jean Louis, 52, ng 4 Rue Des Cites. 93300 Aubervilliers, France.

Sa imbestigayon ni PO2 Lezter Evangelista, dakong alas 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Robinson’s Gallery Place Mall sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Michael Reblando, food attendant ng Gumbo Restaurant,  kumain ang biktima dakong alas 7:00 ng gabi kung saan nag-order o ng  2 boteng crane lake white wine at apat na boteng San Miguel strong ice.

Nang maubos ng biktima ang order ay sinabihan ni Reblando na magsasara na ang restaurant kaya ibinigay sa kanya ang bill na nagkakahalaga ng P4,438.50 .

Matapos malaman ang babayaran ay bigla na lang itong tumayo at umakyat sa railing ng ikatlong palapag ng mall bago nakabitaw saka bumagsak sa ground floor.

Inaalam naman ng pulisya kung suicide o may naganap na foul play sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply