Galaw ni Pacman kumupad

Kinumpirma ni  assistant trainer Buboy Fernandez na kumupad ng kaunti ang  kilos ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao.

Ikinatatakot ng Team Pacquiao na baka hindi maibalik ni Pacman ang kanyang bilis at ito ang isa sa maging dahilan ng kanyang pagkatalo kontra sa malaki at malakas na si former world champion Antonio Margarito.

Ayon sa ulat, kahit si Top Rank Promotions President Bob Arum ay napansin ang nakagugulat na pagbagal ng kilos ng Pinoy ring icon.

Ayon sa kababata ng Pinoy champion, nasaksihan niya mismo ang pagbabago ng galaw ng pound-for-pound king sa ilang mga araw na ensayo nito.

Pero ang nasabing pag-shift ng galaw o istilo ni Pacquiao ay magagawan naman umano ng paraan.

Aniya, kung ano umano ang nakikita kay Pacman noong lumalaban ito sa 112 pounds ay ito rin ang ipapamalas nito sa November 14 kontra kay Antonio Margarito.

“Kahit ako, sa nakita ko, talagang bumagal ng konti, pero magagawan ng paraan ‘yan. Alam nila ang gagawin… ‘Di naman mabagal ‘yan. Kung ano ang nakikita kay Manny Pacquiao noong 112 (pounds), wala ‘yan pag 150 (pounds), wala namang problema,” ani Fernandez.

Sa panig naman ni chief trainer Freddie Roach, susulitin umano nila ang huling tatlong linggong training ni Pacman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply