GANTI (Ika-13 labas)

BANDANG 3:30 nang umaga, gising na si Axel.

Isa-isa niyang ginising ang mga katropa.

Sa halip na magkape, bawal na gamot ang kanilang inalmusal.

Alive na alive ang grupo nang lumakad na sila patungo sa plaza kung saan nagda-jogging si Krishna.

Malungkot sa lugar …

May mangilan-ngilan nang nagda-jogging pero wala pa si miss swimsuit.

Makalipas ang ilang sandali, nabuhayan sila ng loob sa natanawan.

Isang babae na nakasuot ng sweat shirt pero short lang ang pang-ibaba ang nakita nilang nagda-jogging palapit sa direksiyon kung saan nakahinto ang kanilang van.

Mag-isa lang siya.

Malaki ang tiwala niya sa sarili na walang gagalaw sa kanya dahil malapit lang ang kanilang bahay.

Inihanda na ni Bogart ang panyo na basa ng klopormo.

“It’s showtime!” nakangisi niyang sabi.

Natiyak nilang si Krishna na nga ang parating nang malapit na ang dalaga.

“Siya na nga!” sabi ni Macoy.

Nang tumapat sa kanila ang babae, binuksan nila ang van at binati ni Axel ang una.

Nakilala sila ni Krishna at nakangiting lumapit sa kanila.

Umikot sa likod niya si Macoy saka biglang niyakap at tinakpan ng panyong basa ng kloropormo sa ilong.

Nahilo ang dalaga at karakang pinanawan ng ulirat.

Alertong sinalo nina Bogart at Calvin ang babae bago bumagsak saka ipinasok sa loob ng van.

Bago sila umalis, tumingin sa kanyang paligid si Axel …

Napangiti ang lider ng grupo …

Sigurado siya na walang nakapuna sa kanila sa ginawang pagdukot kay Krishna.

Bumalik na sila sa bahay bakasyunan.

Tulog pa ang mag-asawang katiwala nang sila ay dumating.

Ideneretso nila ang tulog pang si Krishna sa loob ng room ni Clark.

Binusalan nila ito at itinali ang dalawang kamay at paa para hindi makagawa ng iskandalo oras na magising.

Hindi nila kaagad ginalaw ang dalaga.

Ayaw ni Axel na makatawag pansin sa katiwala nina Clark ang kanilang gagawin.

Kaya inutusan niya ang kaibigan na pauwiin muna ang mag-asawa sa kanilang bahay para masarili nila ang beach house.

Sa mga sandaling iyon, gising na si Aling Pilar.

Bumaba siya ng bahay …

Sinindihan ang malaking kalan kung saan may kawang nakasalang.

Pinuno niya ito ng tubig at hinayaang kumulo …

May inilagay siyang iba’t ibang uri ng dahon saka pinatakan ng iba’t ibang kulay na likido mula sa isang maliliit na botelya saka nakangiting hinalo nang hinalo.

Sa mga sandaling iyon, nagising na ang mag-asawang katiwala nina Clark.

Naghanda ng almusal bago kinatok ang pintuan ng silid na kinaroroonan ng grupo …

Nang dumulog na sa hapag ang amo, nagbigay siya ng suhestiyon sa mag-asawa.

“Kung gusto ninyong umuwi muna para madalaw ang inyong mga mahal sa buhay, puwede kayong umalis at bukas na lamang bumalik,” sabi ng binata.

“Pero sino ang maghahanda ng inyong pagkain?” tanong ni Aling Matilda.

“Malalaki na kami. Kaya naming pangalagaan ang aming sarili,” sagot ni Clark.

“Matagal na naming hindi nakikita ang aming mga anak at talagang gusto naming umuwi pero hindi namin magawa dahil walang magbabantay dito. Kung talagang papayagan ninyo kami na makauwi, maraming salamat, Senyorito,” masayang  sabi naman ni Mang Pepito.

“Kailangan ninyo ng break kahit maikli lang. Kami na po ang bahala rito,” nakangiting sagot naman ni Clark. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply