GANTI (Ika-14 labas)

MASAYANG umalis ang mag-asawang katiwala nina Clark.

Walang kamalay-malay na kaya sila binigyan ng pagkakataong makaalis ng amo, para masarili nila ang bahay at nang maisagawa ang maitim na binabalak sa nanalong miss swimsuit sa ginanap na beauty contest kagabi.

Nang wala na ang mag-asawa, masayang nag-apiran ang tropa.

Gising na si Krishna ng mga sandaling iyon. Nagtataka sa natuklasang ayos ng sarili.

May busal sa bibig at parang baboy na nakatali ang mga kamay at paa.

Sinaklot siya ng takot nang mahulaan ang nangyari kagabi.

Dinukot siya nina Axel.

Para ipatubos sa malaking halaga o halinhinang pagsamantalahan.

Nalagim si Krishna.

Biglang nagpilit na makaalpas.

Gustong maisalba ang kapurihan sa pagkapariwara sa kamay ng limang hayok sa laman.

Lumikha ng mga kalabog ang pagpipilit niyang makawala sa pagkakagapos.

Nagkatinginan sina Axel sa labas.

“Mukhang nagising na ang bihag natin,” sabi ng binata.

Humangos sila papasok sa kuwarto na kinaroroonan ni miss swimsuit.

Nakita nila ang pagwawala ng dalaga sa pagkakagapos.

“Kahit ano ang gawin mo, hindi ka makakawala sa gapos mo, Krishna,” sabi ni Axel sabay lapit sa dalaga.

Tinanggal niya ang nakabusal sa bibig nito.

“B-Bakit ninyo ako ginaganito? Ano ang kailangan ninyo sa akin?” paiyak na tanong ng babae.

“Ano sa palagay mo?” nakangising ganting tanong ni Bogart.

“Kung gusto ninyo akong ipatubos, wala kayong mapapala sa parents ko. Hindi kami mayaman,” sabi ni Krishna.

“Lahat kami ay anak-mayaman. Hindi namin kailangan ang pera,” sabi ni Macoy.

“Kung gayo’y bakit ninyo ako dinukot?” luhaang tanong ni Krishna.

“Dahil maganda ka at seksi. And for your information, lahat kami ay adik sa magagandang babae na tulad mo,” nakangising sagot ni Calvin.

Biglang nag-iiyak ang dalaga.

“M-Maawa kayo sa akin. Virgin pa ako,” pagmamakaawa ni Krishna.

Biglang nagpalakpakan sa tuwa ang limang buhong.

“What an advertisement! Paano ka namin pakakawalan ay sinabi mong donselya ka pa? Mga dalaga na virgin pa ang paborito naming dukutin!” tuwang-tuwang sabi naman ni Macoy.

Sa gitna ng kawalang pag-asa, nagbanta si Krishna.

“Pakawalan ninyo ako rito at kakalimutan ko ang ginawa ninyo. Pero oras na ituloy ninyo ang inyong binabalak, pagbabayaran ninyo ito ng mahal sa batas!” sabi niya.

“Walang batas-batas sa tulad naming mga mambubutas!” sagot ni Axel saka malakas na tumawa.

Natawa na rin ang mga kasama.

Maya-maya lang, parang baboy na binuhat nila si Krishna at ibinaba sa kama.

May pilit na naghubad ng kanyang sweat shirt habang may nagtanggal naman ng kanyang short.

Hanggang sa bra at panty na lamang niya ang natira …

“Hanep! Matikman ko lang ang bebot na ito, hindi na baleng mabitay ako,” palatak ni Macoy habang nandidilat ang mga matang nakatingin sa maalindog na katawan ni Krishna.

“Ang cheap mo, pare!” sabi ni Bogart. “Marami pa tayong bibiyaking ganyan kaganda bago tayo madisgrasya.”

Hindi sumabad sa usapan nila si Axel. Biglang naglabas ng fan knife saka nilapitan ang babae.

“Pards, kung tutusukin mo siya, huwag balisong ang gamitin mo,” nakangising paalaala ni Bogart. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply