GANTI (Ika-17 labas)

BINALINGAN nina Clark at Bogart si Axel.

Gusto nilang malaman ang desisyon ng kanilang lider.

“Mahirap sa lupa. Nahuhukay ng aso. Sa dagat natin siya ililibing. Lalagyan natin ng pabigat ang kanyang katawan para hindi lumutang,” mabilis namang sagot ni Axel.

Nag-apiran sila at itinuloy na ang inuman.

Makalipas naman ang ilang minuto ay pawisang lumabas na sa kuwarto si Calvin.

Hindi pa tapos mag-zipper ng pantalon …

Haping-hapi ang hitsura ng kumag.

“Next!” sabi niya.

Hindi na nag-agawan ang tatlong kasama.

Nagpalabunutan na lang sila kung sino sa kanila ang mauuna.

Winner si Bogart.

Kasunod niya si Clark at pangatlo naman si Macoy.

Pumasok na ang una sa kuwarto …

Makalipas ang ilang minuto, pawisang lumabas.

Anyong hindi satisfied.

“Parang hindi ka nasiyahan, pare?” tanong ni Macoy.

“Hindi na  nagkamalay. Para kang nakikipagromansa sa patay,” pormal namang tugon ni Bogart.

Biglang tumayo si Clark.

“Humihinga pa siya o hindi na, wala akong paki. Ang importante, makapag-change oil ako,” sabi niya at humangos na sa kuwarto na kinaroroonan ni Krishna.

Nagtagal siya sa loob ng kuwarto …

“Ang tagal ng kumag. Mukhang sinusulit ang pagyari sa biktima,” nakangiting sabi ni Calvin.

“Matakaw sa seks ang gagong iyon. Hangga’t hindi solb na solb, hindi iyon titigil,” natatawang sabi naman ni Axel.

Makalipas ang ilang saglit at lumabas na ng kuwarto si Clark.

Naliligo sa pawis at dugo.

Nakangiting nag-okey sign bago binalingan si Macoy.

“Kawawa ka, pare. Lasog na lasog na si Krisna. Basang-basa na at nanlalagkit sa katas naming apat,” sabi niya sabay tawa.

“Lugi talaga ako. Tiyak na kadiri na ang hitsura ng babaeng iyon.

Paliliguan ko muna siya bago galawin, sagot naman ni Macoy at siya naman ang pumasok sa kuwarto na kinaroroonan ng biktima.

Kung gaano siya kabilis pumasok, ganoon din kabilis na lumabas.

Namumutla.

“M-Mga pards, hindi na humihinga si Krishna. Patay na yata,” kandabulol niyang pag-uulat.

Panabay na tumayo ang apat na kasama at hangos na pumasok sa kuwarto.

Tama si Macoy.

Patay na nga si Krishna at matigas na.

Mukhang kanina pa siya patay.

Hindi lang naramdaman ni Clark dahil sa sobrang kamanyakan.

“A-Ano ang gagawin natin, mga pards?” nag-aalaalang tanong ni Calvin.

“Tuloy ang plano natin,” mabilis namang tugon ni Axel.

Binalot nila ng kumot ang bangkay ng biktima saka isinilid sa malaking garbage bag.

Ididispatsa nila ang bangkay ni Krishna pagkagat ng dilim.

Isasakay nila ito sa bangka at dadalhin sa laot saka kakabitan ng mga hollow blocks bilang pabigat para hindi na makalutang sa ibabaw ng tubig.

Sa kabayanan, nag-aalala na ang pamilya ni Krishna dahil sa kanyang pagkawala.

Nagkakagulo naman ang mga pulis sa paghahanap sa dalaga. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply