GANTI (Ika-27 labas)

“PAMILYAR sa akin ang mukha niya pero hindi ko maisip kung sino,” nag-iisip na sabi ni Rowena sa sarili.

Makalipas ang ilang minutong pag-iisip, biglang nagliwanag ang kanyang mukha.

“S-Si Bogart! Hindi ako maaaring magkamali … siya ang taong nakaenkuwentro ng amok na iyon. Pero bakit parang wala na ang tumubong puno sa kanyang likod at ano’ng power ang taglay niya ngayon?” tanong ni Rowena sa sarili.

Kaagad niyang dinukot ang kanyang cellphone at tinawagan ang binata.

Malayo pa sa Maynila sina Bogart …

Gulat ang una nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Wala sa phonebook niya ang numero kaya hindi niya kilala ang caller.

Pero naisipan niyang sagutin ang tawag …
“Remember me?” narinig niyang malambing ng tanong ng nasa kabilang linya.

“Hindi! Hindi ko kasi alam kung sino ka!” sagot naman ng binata.

“Pambihira ka naman! Ako si Rowena. ‘Yung tv reporter na nag-interbyu sa iyo dahil sa puno na tumubo sa likod mo,” masayang sabi ng dalaga.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Bogart sa narinig.

Naalaala na niya ang makulit na dalagang  reporter pero maganda at seksi.

“Okey, naalaala na kita,” sabi ng lalaki.

“Nasaan ka ngayon?”

“Going back to Manila. Galing akong Samar!”

“Kung gayun, ikaw ‘yung mukhang ermitanyo na humarang sa amok na biglang isinaksak sa bunganga ang dalang jungle bolo?”
“Paano mo nalaman?” gulat na tanong ni Bogart.

“May newscooper na nag-forward ng kuha ninyo sa tv station namin!”

Hindi na nakatanggi pa si Bogart.

“Napansin ko na wala na ang puno na tumubo sa likod mo. Paano ang ginawa mo?” tanong pa ni Rowena.

“Secret!” sagot naman ng binata.

“May kinalaman ba ito sa bagong ayos mo ngayon? Mukha kang ermitanyo na hindi naliligo?” patuloy ng dalagang tv reporter.

“No comment!” sagot naman ng binata.

“Hindi puwede sa akin ang ganyang sagot,” pamaktol pero malambing na sabi ng dalaga.

“Pupuntahan kita sa inyo pagdating mo at kailangang sumagot ka sa interbyu ko kundi’y tatamaan ka sa akin!”

“Sasabihin ko sa iyo ang aking sekreto sa isang kundisyon?”

“A-Ano?”

“Kailangang makipag-date ka muna sa akin bago ko sabihin sa iyo ang aking sekreto!”

“Why not? Pero may isa rin akong kundisyon bago ako sumamang makipag-date sa iyo,” game na tugon ng dalaga.

“A-Ano?”

“Magpagupit ka muna at mag-ahit tapos ay maligo ka para bumango ulit ang hitsura mo,” sabi ni Rowena saka malakas na tumawa.

Natawa na rin si Bogart pero bago natapos ang kanilang pag-uusap, fix ang naging kasunduan nila na date. Muli ay ipinagpatuloy ng binata ang pagtulog.

Gulat ang mga magulang nang makita ang ayos ni Bogart pagdating niya sa Maynila pero natuwa sila dahil wala na ang puno na tumubo sa kanyang likod.

Ang unang ginawa ng binata ay naligo tapos ay nagtungo sa isang barber shop at nagpagupit saka nagpaahit.

Saglit pa’t guwapong-guwapo na naman ang kanyang hitsura. Ladykiller na naman ang dating. Deretso siyang uwi sa kanilang bahay pagkagaling sa barberya.

May konting selebrasyon sa bahay nila sa kanyang pagbabalik. Sabik na sabik siya sa masasarap na pagkaing inihanda ng mother niya. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply