Gastusin ni PNoy ipinasisilip

NANAWAGAN  kahapon si Sen. Teofisto “TG” Guingona III sa Department of Budget and Management (DBM) na ilantad ang kabuuang badyet at lahat  ng gastusin ng Executive department,  alinsunod sa ibinabandilang transparency at accountability sa gobyerno.

Ayon kay Guingona, dapat magpatupad ang Palasyo ng isang patakaran na mailantad ang lahat ng transaksiyon ng administrasyon, partikular ang pinaglalaanan ng pambansang badyet at paggastos sa pampublikong pondo.

Iginiit ni Guingona na kung hindi gagawin ng administrasyon ang paglalantad ng lahat ng transaksiyon at gastusin ng pamahalaan, magpapatuloy ang sistema na pagsisimulan ng katiwalian at anomalya tulad ng talamak na pang-aabuso sa kaban ng bayan ng nakaraang administrasyon.

“Our budget system for the past several years is flawed and enables funds to hemorrhage through corrupt and wasteful practices,” ayon kay Guingona.

Inihalimbawa ng senador ang kahigpitan sa pagbibigay ng impormasyon sa badyet.

“Labas sa ilang espesyalista sa badyet, iilan lamang ang puwedeng magsabi na may nalalaman siya sa proseso ng pagbabadyet. Kahit mga mambabatas na nag-aapruba ng badyet ay may limitadong pananaw sa badyet,” aniya.

“Mas matindi ang mamamayan na walang kaalamanan sa anoman sa impormasyon sa badyet maliban na lamang sa nakukuhang impormasyon sa media,” ayon kay Guingona.

Tinukoy pa ni Guingona ang kakalabas na ulat ng isang US-based na International Budget Partnership (IBP) na nagsasabing naitaas ng

Pilipinas ang budget transparency score ng pitong puntos na naitala nong 2008, pero kailangan pang buksan nang todo. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply