Gesta-Valle clash bukas

MAKIKIPAGBANGASAN na si unbeaten Filipino lightweight sensation Mercito “No Mercy” Gesta (19-0-1, 9 KOs) kay Ivan “Relampago” Valle (28-9-3, 24 KOs) bukas sa eight-round main event ng Telefutura’s “Solo Boxeo Tecate.”

Si Gesta na tubong Mandaue City ay kasalukuyang nasa San Diego, Calif., at nangangarap na muling makabalik ng bansa.

“Halos apat na taon na ako rito,” pahayag ni Gesta. “Nami-miss ko talaga ang Pilipinas kaya balak ko na namang umuwi.”

Ayon sa twenty-three year old WBO Youth lightweight champion na si Gesta, kahit mahaharap siya sa matinding pagsubok ay gagawin niya ang lahat upang makakuhamuli ng world title.

Sinabi ni Gesta na pinaghandaan niya nang husto ang laban na ito at nangako siyang i-aangat niya muli ang bandila ng Pilipinas.

Magugunitang dinurog din ni Gesta sa isang event ng Telefutura ang isa pang Mehikanong si Genaro Trazancos sa loob lamang ng pitong rounds.

Balak naman ng Pinoy pug na tapusin nang maaga ang bangasan at umuwi taglay ang knockout win. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply