Gin Kings pinulutan ang Tigers

Bumawi ang Barangay Ginebra sa kanilang unang pagkatalo at dinurog ang Powerade Tigers sa Phoenix Fuel PBA On-Tour sa Batangas City.

Kasunod ng pagtambak ng 15 puntos sa pagsasara ng 1st half, 50-35, unti-unting nilamon ng Gin Kings  ang Tigers hanggang magpantay sa 71-all sa inisyatibo ni Gary David na nagtumpok ng 27 points.

Muling nagpatas ang Gin Kings at ang Tigers sa 75-75 hanggang masira ang laro ng Tigers sa huling 3:37 minuto.

Nagtuwang sina Erik Menk, Rudy Hatfield sa paghahatid ng mga puntos sa krusiyal na bahagi ng laro subalit si Willie Miller ang tinampok na top scorer sa ibinuslong 15 puntos na sinusugan ng 11 ni Yancy de Ocampo.

Sa panig ng Tigers ay tanging sina David at Mark Macapagal ang nakapagrehistro ng double figures na 27 at 13, ayon sa pagkakasunod-sunod na nagbigay ng laban sa panig ng Tigers at naghatid sa kanilang 1-1 win-loss records.  Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply