Ginang binugbog ng tserman

NAHAHARAP  sa kasong pananakit at panunutok ng baril ang isang barangay chairman sa isang ginang, sa Caloocan City.

Nakilala ang inirereklamo na si Bernardo Saraza, nasa hustong gulang, ng Brgy. 72, Victory Cmpd., ng nasabing lungsod. Sa pahayag ng biktimang si Janice Namol, 26, sa pagitan ng alas-12:30 ng tanghali, karga ang anak na isang taong gulang sa tapat ng kanilang barangay hall nang dumating si Saraza at galit na hinahanap ang asawa ng ginang.

Nang hindi makasagot ang biktima ay hinatak ni Saraza ang kaliwang bisig ni Namol na naging dahilan upang mahulog ang kargang bata.

Hindi pa nasiyahan si Saraza at sinipa pa sa kaliwang binti ang ginang bago tinutukan ng baril sabay sabing magsilayas na ang mag-ina.

Sa takot ay dinampot na lang ng ginang ang anak at umalis bago nagpagamot at dumiretso sa presinto saka nagsampa ng reklamo sa kapitan na nakalalaya pa. Nabatid na nagalit si Saraza sa asawa ng biktima nang hindi ito pumanig sa una upang magsampa ng disqualification case laban sa kalaban ng kapitan sa nalalapit na eleksyon. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply