GMA di mapupwersang tumestigo laban kay Neri

HINDI maaaring puwersahin ng Sandiganbayan si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na tumestigo sa kasong katiwalian na kinakaharap ni dating National Economice Development Authority (Neda) Director-General Romulo Neri.

Ito ang nilalaman ng apat-na-pahinang resolusyon ni Associate Justice Napoleon Inuturan ng anti-graft
court matapos maghain ng motion to quash ang kampo ni Arroyo.

Pinaboran ng Sandiganbayan ang argumento ng abogado ni Arroyo na si Estelito Mendoza na may karapatan si Arroyo na manahimik dahil ito ay respondent sa dalawang naka-pending na paglilitis sa maanomalyang $329-milyon NBN-ZTE deal.

Ito ay ang mga petisyon na isinampa nina UP Law Prof. Harry Roque sa Office of the Ombudsman at Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, na naka-pending naman sa Department of Justice (DOJ). Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply