GMA iaabsuelto ng Ombudsman sa plunder?

ANG  tanggapan pa rin ng Ombudsman ang magpapasya sa kasong plunder na isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban kay dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo kaya’t hinihinalang maaabsuelto ito.

Ito ay matapos aminin ng panel of prosecutors na may hawak sa kaso sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Peter Ong na ang  Ombudsman din ang may final approval sa resolusyong ipapalabas ng DOJ panel.

Si Arroyo ang nagtalaga kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na  nahaharap  naman ngayon sa impeachment complaint sa Mababang Kapulungan.

Paliwanag ni Ong, may memorandum of agreement ang DOJ at Ombudsman patugkol sa mga kasong isinasampa sa isang opisyal ng Pamahalaan.

Iginiit naman ni Atty. Estelito Mendoza na hindi dapat ang DOJ ang humawak sa kaso  dahil magkakaroon  ng problema ng ‘impartiality’ ang ahensya  dahil parte ng executive department ang DOJ at may mga public statements na ang Pangulong Aquino na isa sa  misyon nito ay imbestigahan ang  nakaraang Administrasyong Arroyo.

Sinabi naman ni Ong na kahit na ang dating Pangulo ang respondent sa kaso ay hindi sya nakakaramdam ng pressure at wala naman umanong particular na kautusan kay Ong si justice Secretary Leila De Lima hinggil sa naturang kaso.

Ang kasong plunder ni Arroyo ay hingil sa reklamong pagbebenta ng old Ilo-Ilo airport. Teresa Tavares

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply