GMA: ‘Matsing’ sa 100-day speech ni PNoy

UNTI-UNTING tinutupad ni Pangulong  Aquino ang kanyang panata sa taumbayan matapos ang unang 100 araw na pag-upo sa puwesto pero hindi pa rin niya naiwasang sisihin si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na inihambing niya sa “matsing” ang kabulastugan nito.

Sa speech ng Punong Ehekutibo para sa kanyang “Isang Daang Araw Sa Isang Daang Matuwid” Report Kay Boss na idinaos sa Town Hall Meeting ng La Consolacion College, Mendiola St. Manila ay sinabi ng Pangulong Aquino na tinutupad lamang niya ang kanyang panata sa taumbayan kung saan ay hindi niya tatalikuran ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

“Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating paninindigan,” ayon sa Chief Executive.

Ikinumpara ni Pangulong Aquino sa tatlong matsing ang Arroyo government dahil nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumagawa ng sariling katotohanan.

Iyon aniya ang dahilan kung bakit malalim at malawak ang mga problemang minana niya ngayon.

Sa kabilang banda, ipinagmalaki nito na bumalik na ang kumpyansa sa bansa lalo pa’t tumatatag na ang ekonomiya, at dahil dito aniya ay lumalago ang kaban ng bayan. Ang lahat aniya ng inani at aanihin pa ng gobyernong Aquino mula sa pinatibay na ekonomiya ng  bansa habang ibinabalik naman niya sa taumbayan upang tuluyan na makaahon sa kahirapan ang lahat.

Bukod pa sa binibigyan niya ng katuturan ang paggastos dahil wala aniyang pisong dapat na nasasayang.

Tila ipinamukha naman ni Pangulong Aquino sa  nagdaang administrasyon ang nagawa niya sa loob ng 100 araw. Una na rito aniya ay ang ginawa niyang pagpapatigil sa negotiated contracts ng DPWH; pinarebid niya  ito.

“Nabalik po ang pera sa kaban ng bayan na kung pinahintulutan natin ang maling sistema ay natapon na naman sanang muli. Hindi lang po sa mga kalsada: sa DOTC, pinigil natin ang pagwaldas ng isang bilyong piso. Sa Department of Agriculture, 30 million at least ang natipid sa spectrometer na gusto sanang doblehin ang presyo. Lahat po iyan naibalik natin sa kaban ng bayan,” pagmamalaki ni Pangulong Aquino.

Ibinunyag din ni Pangulong Aquino ang mga proyektong inaprubahan ng dating administrasyon kung saan ay kabilang na rito ang ginawang paghukay sa Laguna de Bay para palalimin ito.

Tila sirang-plaka naman na muling ipinagmalaki ni Pangulong Aquino gumandang weather forecasting ngayon ng Pag-asa.

Hindi pa doon natigil ang pasaring ng Malakanyang dahil isinama rin nito sa kanyang speech ang katakut-takot na problemang minana niya sa nagdaang administrasyon. Iyon nga lamang ay hindi siya patitinag.

Binigyang diin ng Pangulong Aquino na ang punto lamang niya rito ay walang maiiwan dahil hindi  siya papayag na yumaman  ang iilan habang nalulunod sa kahirapan ang karamihan.

Binanggit din ng Pangulong Aquino na kinikilala na ng pandaigdigang merkado ang pagtatag ng piso. All-time high na a ang  Gross International Reserves na umabot na sa 52.3 billion dollars noong ika-dalawampu ng Setyembre. Ang dati rati’y parang imposibleng maabot na Philippine Stock Exchange Index na 4,000, ay  nalampasan na aniya sa ilalim ng kanyang liderato.

Niresbakan  ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kritiko nang sabihin nito na ang mga ito ang nagdulot sa kanya ng mga problemang pinapasan niya ngayon.

Kaugnay nito, hindi naman napikon at hindi rin nagpa-apekto si Pangulong Aquino nang sa kalagitnaan ng aktibidades sa kanyang 100 days event ay pumagitna ang 4 na estudyante ng UP Manila at batikusin si Pangulong Aquino.

Pinangunahan ni Cesarie Ann Santos ang “pagnanakaw” eksena ng mga estudyante sa nasabing okasyon. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply