Go San Beda Fight!

BALIK-TUON muna tayo, just one more time, sa 36th NCAA Men’s Basketball Season. Mamayang  hapon  na  ang  MOMENT OF TRUTH  para sa  koponang  Red Lions ng San Beda College.

Magkakaalaman na kung mababawi ng mga taga Mendiola ang korona sa NCAA na “inagaw” sa  kanila  ng  Stags  ng  San Se-bastian College noong  2009. Ito’y matapos na tanganan ng Red Lions ang nabanggit na korona ng tatlong sunod-sunod na taon mula 2006 hanggang 2008.

Ilang  araw  pa  lang  ang  nakalilipas nang gumawa ng kasaysayan sa NCAA ang Lions sa pagtatala  nito ng 16  sunod-sunod   na panalo sa liga. Ginawa pa nga itong 17 nitong October 13 nang talunin ng Lions, ang Stags  sa  unang  laro ng  Finals.

Subalit ang pinamalas na ito  ng mga bata ni Coach Frankie Lim ay tiyak na mababalewala kapag  di nila mabawi ang korona ngayon.

“The year-long trek to redemp-tion ends on Friday,” blurted the irrepressible Atty. Art Tugade  (debater par excellence during his San Beda days). “This band of hard-court warriors will definitely bring back to us what is rightfully ours.”

Bedistas are no strangers to such sense of anticipation. Kahit sa anong larangan ng inter-campus competition, kabilang sila sa medal contenders. Katulad na lang ng taunang  Bar  Examinations,  ang gruelling 4-Sunday-AM-PM pagsusulit sa mga nagmimithing maging ABOGADO.

Matatandaang maraming Be-dista ang naging biktima ng pagpapasabog ng isang granada noong huling Linggo ng pagsusulit sa Dela Salle University sa Taft nitong Set-yembre, 2010. Nag-BarOps sila at andun lagi sila sa bar exams vicinity as their way of demonstrating their moral support for all San Beda examinees. This year, Bedan  “Bar-Opsters” came in droves dahil de-fending champion ang San Be-da-Law sa pagkakasungkit ng No. 1 at No. 2  na puwesto noong 2009 Bar Exams.

Ngunit  sa  36th  NCAA  Basket-ball  Season ay challenger lang ang San Beda. Ang tanong ay masusungkit din ba nito, MAMAYA,  ang kampeonato ng Men’s Bas-ketball sa ligang ito?

Nakatitindig-balahibo ang na-kasulat sa mga t-shirt ng San Beda hoopsters bago nag-umpisa ang laro noong nakaraang Miyerkules:

“No if’s. No but’s.  Let’s just get it back.”

And get it back, fellas, LET US!

Kaya mamayang hapon  af-ter my hearing sa Fifth Division  ng Sandiganbayan ay tutuloy na tayo sa Big Dome for that game that may make San Miguel Beer outlets around Araneta Center happy with us.

Kasama kong manonood ng SBC-SSC tiff  sina Atty. Rene Katigbak, Makati RTC Judge Alberico Umali, litigation lawyer Atty. Jun De Dios, management lawyer Atty. Mar Torcuator, former Immigration Bureau Commissioner  Atty. Jose ‘Boji’ Cabochan and, oh yes,  RTC Manila Judge (at  Presidente ng Philippine Judges  Association) Antonio Eugenio – all of  San Beda- Law Batch ’74.

Sana may marunong pang  dumukot sa mga ito.

GO SAN BEDA FIGHT! Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply