Gretchen ‘di matanggap na matitigbak na ang role sa Magkaribal

LUNGKOT na lungkot si Gretchen Barretto sa tsikang titigbakin na ang kanyang role sa Magkaribal.

Para raw hindi pa tanggap ni Greta na mag-say goodbye sa nasabing fashion series. Masyado nga raw na-enjoy ni Gretch ang kanyang role dito sa Magkaribal kaya naman nang malaman niya na need na patayin sa story si Victoria ay nagimbal siya at nagulat.

Humagulhol nga raw ang nasabing aktres at nakikiusap na i-extend pa ang kanyang role bilang si Victoria sa Magkaribal.

Masyado na raw malaki ang naging bahagi ng teleserye sa buhay ni Greta kaya ganun na lang ang kanyang kalungkutan.

May tsika pa ang aming tsismosang kapitbahay na baka nga raw hindi na ito umabot ng June next year.

Mawala man daw si Greta sa Magkaribal ay may kasunod na agad itong bagong teleserye at excited naman ang live-in partner ni Tony Boy Cojuangco sa bagong project na kung saan ay makakasama niya ang kanyang naging kaaway na si Angelica Panganiban.

Pansin pa ng mga staff at crew sa Magkaribal ay tila malungkot ang mood ni Gretchen na hindi tulad ng dati.

Hindi pa daw kaya at hindi pa handa si Gretchen na mag-say goodbye sa nasabing teleserye na Magkaribal kahit pa may plano na tigbakin na ang karakter nito na Victoria. Abangan!

KRIS AQUINO, BONGGANG-BONGGANG NAGMO-MOVE ON

Aminado ang TV host actress na si Kris Aquino na nakaka-move on na siya ng bonggang-bongga.

Mas bumubuti naman daw ang kanilang relasyon ni James Yap lalo na at nail-link ito kay Isabel Oli.

At kapag nagpatuloy daw ‘yun mas mapapabilis ang annulment ng kanilang kasal at ayon sa kampo ni Kris na hindi na sila magsisigawan at mag-aaway ni James kapag nagkikita.

Kaya naman natutuwa siya at bumubuti ang kanilang relasyon sa pagdating pa ng panahon at ang kakaloka pa na bulong ng aming tsismosang kapitbahay ay itong tsika na move na move on na daw ang aura ni Kris.

Dagdag sitsit pa ng aming tsismosang kapitbahay ay itong busy si Kris bukod sa kanyang pelikula na Dalaw with Diether Ocampo na entry sa MMFF 2010 at ilan pang commitments ay busy din daw ang TV host actress sa paghahanap ng bagong mamahalin.

Yes, super mega busy nga raw ngayon ang mudra nina Baby James at Joshua sa paghahanap ng bagong papa, bf or dyowa.

At ang kaloka pa ay super mega search nga raw ang Kris sa kanyang facebook account para maghanap doon ng bagong iibigin at mamahalin.

O, di ba, kaloka tru internet at FB na naghahanap ng bagong bf si Kris inaasahan naman na hindi lang dodoble kungdi tri-triple pa ang mag-a-add dito kay Kris para mapabilang sa kanyang friends list.

Well, sino naman kaya ang masuwerte na guy na mapi-feel ni Kris na maging dyowa sa FB.

This time nga raw, ayon sa kampo ni Kris ay pipili at hahanap na siya ng kaedaran na niya na mamahalin siyang tunay at todo-todo na makakasama niya for life.

Wish your luck, Kris!

‘Yun na! Jovi Lloza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply