Guimba boys kumana sa Mileage Circuit

NAGYABANG ang mga lokal na siklista  ng Guimba, Nueva Ecija, nang isang uno-dos, na pagtatapos ang kanilang itala kamakailan sa ginanap na Mileage Circuit Race sa harap ng kanilang mga kababayan.

Nangibabaw  ang beteranong si Oscar Rindole upang pamunuan ang atake ng mga Novo Ecijano para  sa kampeonato, samantalang ang kabayang si Joel Calderon naman ang pumangalawa  kasunod si  Renato Sembrano.

Tumanggap ng P7,000 at  P5,000  ang magkababayan na suportado ni team manager Allan Gatbonton ng Mileage Gasoline.

Pinarangalan din ang pumangatlong si Renato Sembrano kasunod  sina 4. Nicardo Guanzon, 5. Sherwin Diamsay, 6. Emil Pablo, 7. Baler Ravina, 8. Elmo Ramos, 9. Bernard Luzon at  10.Dominador Marana.

Samantala, ang alaga ni Gatbonton na si Alfredo Asuncion naman ang tinanghal na kampeon ng  idinaos na Feast of St. Therese Diocese Race na ginanap  sa Ramos,Tarlac sa kagandahang loob ni Municipal Councilor Orlando de la Cruz.

Tulad ng naging padyakan sa Guimba, dos – tres uli  ang naging pagtatapos ng Seven Eleven riders na sina Diamsay at Tomas Martinez. Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply