Guro nilasing, pinatay sa palo

CAGAYAN-Nilasing muna ng isang estudyante at kabarkada nito ang kanyang guro saka nila pinagtulungang paluin hanggang mapatay sa bayan ng Sanchez Mira, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame mula kay P/Chief Insp. Josel Pagulayan, hepe ng Sanchez Mira PNP ay kinilala ang bik-tima na si Oscar Saanen, 38 anyos, teacher sa isang eskwelahan sa nasabing bayan.

Natukoy naman ang mga suspek na sina alyas Brian, estudyante at Nico Paul Ca-buyao, mga residente ng Brgy. Centro, Sanchez Mira, Cagayan.

Ayon kay Pagulayan, bago nangyari ang insidente ay nag-inuman ang biktima at mga suspek sa isang tindahan sa Brgy. Callongan.

Ngunit kinabukasan ay natagpuan nang walang bu-hay ang guro sa bakanteng lote bunga ng inabot na matinding palo.

Pagkaraan ay dinakip ang dalawang suspek na nakitang huling kasama ng biktima. Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang motibo sa krimen bagaman isang estud-yante rin ang nagsabi na may lihim na galit ang suspek sa dating guro dahil minsan siyang ipinahiya nito. Verlin Cruz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply