Gwen Zamora, hinahanap-hanap daw ang dampi ng halik ni Vic

NAGKAKAROON daw ng problema sina Bong Revilla at Vic Sotto sa kanilang pelikulang “Si Agimat sa Mundo ni Enteng” dahil lang sa special effect na ilalagay sa nasabing fantasy films na entry sa Metro Manila Film Festival.

Ayon sa nakarating sa aming balita, hindi raw magkasundo sina Bong at Vic pagdating sa production cost ng kanilang movie, particular sa paglalagay ng super special effects sa mga eksena.

Gusto raw kasi ni Bossing Vic na simple lang ang gawing special effects sa “Si Agimat sa Mundo ni Enteng” na ayaw naman daw ni Senator Bong dahil mas feel raw nitong gawing bonggang-bongga ang special effects para lalong matuwa ang mga manonood.

Dahil kapwa producer ang dalawa sa nasabing movie, wala naman siguro masama na minsan-minsan ay magtalo sila sa kung anong dapat gawin sa kanilang pelikulang entry sa MMFFP sa darating na December.

Gusto lang naman nila na maging maganda ang “SASMNE” dahil first team-up movie nila ito

Anyway, gaano katotoo na nag-enjoy at hindi makalimutan ni Gwen Zamora ang kissing scene nila ni Bossing Vic sa movie? Hinahanap-hanap daw nito ang matamis na dampi ng labi ni Bossing?

****

Tamang-tama naman na isinama na sa cast ng Bubble Gang si Gwen Zamora kasama nina Jackie Rice, Sam Pinto at Meg Imperial na tinawag ang grupo nilang Bubblet sa gag show.

Hiningi namin ang reaction ni Gwen sa kissing scene nila ni Vic Sotto sa “Si Agimat sa Mundo ni Enteng.”

Natawa at napailing ito nang iparating namin na nag-enjoy at hinahanap hanap niya ang dampi ng labi ni Bossing Vic.

“Naku! Trabaho lang po. Kailangan sa istorya kaya nagkaroon kami ng kissing scene. Saka gentleman naman si Bossing Vic,” say ni Gwen na lalong gumanda at sumeksi.

Ngayong hiwalay na sina Vic at Pia Guanio, alam na raw ni Gwen na mas matinding intriga pa ang pagdadaanan niya dahil siya nga ang leading lady ni Bossing sa “Si Agimat sa Mundo ni Enteng.”

“Naku! Inaasahan ko na ili-link ako kay Bossing Vic. Guwapo at gentleman si Bossing at alam ko na tatawa lang ito kapag ini-link kami sa isa`t-isa. Baguhan pa lang ako sa showbiz kaya minsan ay nagugulat na lang ako kapag may nagsulat o nagsabi na ako raw at si ganoon ay may relasyon,” say pa ni Gwen.

Tulad raw ng balitang binasted niya si Ervic Vijandre na ex-boyfriend ni Marian Rivera.

“Paano ko siya (ex-boyfriend ni Marian), babastedin, hindi naman ito nanligaw. Hindi rin kami close at hindi ko alam kung bakit kami natsi-tsismis ngayon. Priority ko ang career at hindi ang aking lovelife. But we can be friends sakaling magkaroon ng pagkakataon na magkasama kami sa anumang project,” pagtatapos ni Gwen.

RHIAN RAMOS, PITONG BUWANG INIYAKAN ANG PAGHIHIWALAY NILA NI JC DE VERA

Tawa lang ang laging sinasagot sa amin ni Rhian Ramos sa tuwing makakausap namin sa taping ng “Kaya ng Powers”  kapag nababanggit ang patuloy na pagli-link sa kanila ni DJ Mo Twister.

Kahit na inamin ni Mo na special girl sa puso niya si Rhian ay laging sinasabi lang ng young actress: Basta as of now, talagang friends lang kami. And for me, bina-value ko yung friendship namin. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa akin,” say ni Rhian.

Nasaktan na raw siya sa pakikipagrelasyon at tama na yung pitong buwan niyang iniyakan ang paghihiwalay nila ni JC de Vera.

Naka-focus sa trabaho ang hinaharap ngayon ni Rhian dahil bukod sa fantasy-sitcom na Kaya ng Powers kasama sina Sheena Halili, Elmo Magalona, Rufa Mae Quinto at Joey Marquez na napapanood every Saturday sa “Ilumina” kaya wala muna siyang panahon sa pag-ibig.

***********

Sa Linggo sa “Ripley`s Believe It Or Not” sa QTV 11, hosted by Chris Tiu, maniniwala ka ba, stunt artist paliliparin ang motorsiklo sa ibabaw ng mga sasakyan habanag umaandar nang pabaligtad! Lalaki naghahanap, nangungulekta at nagde-defuse ng mga landmines gamit lang ang kamay! Atbp nakakagulat at nakakabilib na pangyayaring ipakikita sa show sa ganap na 8:10 pm to 8:45 pm. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply