Halalan sa Cavite di natuloy

HINDI natuloy ang halalan ng barangay at SK sa Brgy. Zapote 5 habang hindi rin nakapagproklama ang nagwaging barangay kapitan mga konsehal sa Brgy. Mambog, kapwa ng bayan ng Bacoor, Cavite.

Ayon kay Supt. Redrico Maranan, hindi natuloy kamakalawa ang halalan sa Longos Elementary School sa Brgy. Zapote 5 makaraang huli nang dumating ang mga paraphernalia na gagamitin sa halalan subalit ito ay itinuloy kahapon (Oktubre 26).

Hindi naman natuloy ang proklamasyon ng nanalong barangay kapitan at mga kagawad nito sa Brgy. Mambog makaraang magprotesta ang natalong kandidato hinggil sa naging dayaan sa  eleksyon.

Sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ni Cavite PIO Sr. Insp. Mila Sanchez, masasabing halos 90 percent na matagumpay at tahimik ang isinagawang halalan  sa lalawigang ito maliban lamang sa bayan ng Bacoor.  Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply