Hamon ni Mark Gil sa anak na si Andi: Panindigan ang drama heiress title

SA DAMI ng trabaho ngayon sa showbiz lalo na sa pagdating ng mga indie films, wala nang pahinga ang mga artista.

Kaya nga apektado si Mark Gil sa kabi-kabila niyang shoots sa TV at pelikula.

Naglalagare talaga si Mark pero isang araw ay hindi niya nakayanan ang puyat at pagod kaya naapektuhan ang kanyang paggawa ng pelikula para sa Cinema One Originals ng ABS-CBN.

Nakapag-report na sa set si Gil pero napakalayo ng lokasyon ng “Ishmael,” sa Boso-Boso, sa pinakadulo ng Baras, Rizal na iba at liblib ang daan.

Kahit nakagawa na siya ng ilang eksena, hindi napigilan ni Mark na umalis sa set pero bago ‘yon ay nakipag-usap naman siya nang masinsinan sa kanyang direktor na si Richard Somes.

***

Na-pack up ang shoot nang dahil kay Mark pero bumawi naman ang aktor sa kasunod niyang call slip para sa pelikula.

Last day of shoot noon at literal na inumaga ang trabaho niya kasama sina Dan Alvaro, Ronnie Lazaro, Pen Medina at Ria Garcia.

Noon ay hindi na umangal si Mark at kooperatibong nakipag-eksena sa kanyang mga kabituin na ikinaligaya ni Richard.

Puring-puri si Somes sa propesyunalismo ni Gil gayundin sa dedikasyon nina Dan, Ronnie, Pen at Ria.

Tungkol sa kulto ang pelikulang ito at napakaganda ng trailer na parang pagbabalik ni Fernando Poe, Jr.

Ginagampanan ni Mark ang lider ng kulto kung saan ang kanyang anak na si Ria ay kanyang pinagsasamantalahan samantalang ililigtas siya ni Ronnie na nagbalik ng kanilang lugar pagkatapos mabilanggo nang matagal nang patayin ni Dan ang kanyang asawa at si Pen naman ay nagkunwaring bulag na nagpapagamot sa huwad na Mesiyas.

***

Samantala, mula sa isang ama ay naghahamon si Mark sa kanyang anak na si Andi Eigenmann na panindigan ang imahe niya ngayon na Heiress of Drama.

Nabigla siya, ani Mark nang tatakan ang kanyang anak nang mapaghamong papel.

“Ibang klase. I know na she’ll exert effort pero pinaaalalahanan ko lang siya,” paliwanag ni Gil.

Anak ni Mark kay Jaclyn Jose si Eigenmann.

“It’s a big responsibility. Every eyes I’m sure is on her,” sabi ni Mark.

***

Nahalal ang inyong lingkod na Public Relations Officer o PRO n gaming subdibisyon Villa Castillo sa San Pedro, Laguna at hamon din ito sa kakayahan ng bawat isa kabilang ang iba pang ibinotong opisyal tulad nina Ray Gatuz, Presidente; Sandy Pancho, Bise-Presidente; Aries Aguirre, Secretary; Letty Salvador, Treasurer;Lily Rodriguez, Assistant Treasurer; Leo Oliva, Auditor; Lerma Gajo, Assistant Auditor; Ronald Caravana at Mikko Jimenez, Sgt.-at-Arms.

Naaalala tuloy namin ang broadcaster at newscaster ng Channel 4 at singer na si Angelique Lazo na presidenta ng kanilang sosyal na tirahan sa Santa Rosa, Laguna.

Ngayon ngang nalalapit na ang mga Halloween party, isa si Angelique sa mga naghahanda sa mga piging sa kanilang subdibisyon.

***

May cancer ang ina ng seksing aktres na si Via Veloso kaya nanghihingi ng siya dasal para sa paggaling ng kanyang magulang.

Panay pa rin ang trabaho ni Via at paghahanap ng pera para maipagamot ang kanyang mahal na ina.

***

Ipinagmamalaki pa rin ni Brillante Mendoza ang kanyang trabahong production design sa pelikula ni Celso Ad. Castillo na “Mga Lihim” ng Kalapati ng FLT Films ni Mommy Rose Flaminiano kahit na nineteen kupong-kupong pa niya ito ginawa.

Sa katunayan, pinanood pa niya ito sa U View ng Fully Booked sa Bonifacio High noong Linggo kasama sina Celso at ang bida sa pelikula na si Isadora.

Maganda pa rin si Isadora na nagbabalik-eksena sa pelikulang “Ang Babae sa Sementeryo” ni Neal “Buboy” Tan.

Ang trahedya lang ay pinalalayas na si Isadora sa kanyang bahay na tinitirhan sa may UP Balara dahil bibilhin na ang malawak na lote ng mga taipan pero ipaglalaban ni Isadora ang kanyang karapatan sampu ng kanyang mga kapatid at kapitbahay na doon na ipinanganak, nagkaisip, lumaki at nakapag-asawa. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply