Hawks dinagit ng Wizards

MALAKING bagay ang 25 puntos ni Joe Johnson sa panalo ng Atlanta Hawks, 99-95, laban sa Washington Wizards kahapon sa home opener ng team.

Si Johnson ay nakasapol pa ng 14 puntos sa ikaapat na parte ng sagupaan kaya hindi nakaporma ang kalaban.

Samantala, nananatili namang unbeaten ang Portland Trail Blazers nang talunin nito ang New York Knicks,100-95.

Ayon kay guard Brandon Roy, naramdaman nila ang puwersa ng katunggali nila ngunit nagpasalamat sila dahil nanalo pa rin ang kanilang team.

Si Roy ay humakot ng 29 points habang si LaMarcus Aldridge ay nagdagdag ng 20 points at10 rebounds.

Kumamada naman si Andre Miller ng 19 points at 10 assists upang maitipa ang 3-0 kartada ng Trail Blazers.

Natuklasan naman na si Warriors point guard Stephen Curry ay hindi makalalaro sa panig ng Golden State laban sa Los Angeles Lakers dahil  sa pinsala sa tuhod.

Kaya naman, ngayong araw ay asahan nang wala siya sa team at sa mga susunod na araw pa siya sasama. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply