Hawks lumagpak sa Wizards

RUMATSADA nang todo si John Wall kaya nanalo ang Washington Wizards laban sa Atlanta Hawks sa pamamagitan ng kanyang 19 points, 107-92.

Bagama’t baguhan pa lamang, pinatunayan niyang may maibubuga siya sa court.

Si Nick Young naman ang humalili kay Gilbert Arenas at nakadale ng 24 points para sa Wizards (3-1).

Samantala, si Derrick Rose ay tumipa ng 23 points para sa Chicago Bulls upang durugin ang Toronto Raptors sa iskor na 109-90 para sa preseason victory.

Hinataw ng Bulls (2-2)  ang Raptors hanggang sa kapusin na ito.

Kasabay nito, nananatili namang walang talo ang Minnesota Timberwolves nang lapain nito ang Denver Nuggets kahapon sa pagpapatuloy ng NBA season.

Si Rookie Wesley Johnson ay kumamada ng 16 points sa 122-108 victory nila kontra Nuggets.

Kumana naman si Kevin Love ng 16 points at 15 rebounds para sa Timberwolves (3-0) na noong nakaraang season ay pumoste lamang ng 15 games.

Sa Tulsa, Oklahoma, humakot si Marc Gasol ng 19 points at napisak ng Memphis Grizzlies ang Oklahoma City Thunder at naitala ang 116-96 victory.

Nilagay ng Grizzlies sa double figures ang limang starters nito dahilan upang hindi makaporma ang kalaban.

Sa iba pang laro, naigawad na naman ni LeBron James sa Miami Heat ang isa pang panalo.

Si James ay umani ng 22 points sa 26 minutes bago umalis sa grupo dahil naman sa pulikat sa third quarter habang si Chris Bosh ay nagdagdag ng 17 points at eight rebounds upang talunin ng Heat ang Euroleague powerhouse 96-85 sa isang exhibition kahapon.

Umaasa naman ang grupo na makakasama na nila si Dwyane Wade sa mga susunod nilang laban dahil gumagaling na umano ang right hamstring injury nito.

Si Sacramento Kings center Samuel Dalembert naman ay maaaring mawala ng anim na linggo dahil din sa injury.  Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply