Heat talo sa Spurs

Dahil hindi umano masyadong nagseryoso sina LeBron James at Chris Bosh, nagtamo ng talong 90-73 ang Miami Heat sa kamay ng San Antonio Spurs sa isang preseason game.

Si James ay nakakuha pa ng 12 points habang si Bosh ay nakadalawa bago nagpahinga.

Ang miyembro naman ng tinaguriang Big Three ng Miami na si Dwyane Wade ay wala dahil sa pinsala sa kanang hamstring.

Samantala, umiskor si Grant Hill ng 16 points sa ginawang  pagdurog ng Phoenix Suns sa Dallas Mavericks, 98-90,  kahapon sa third edition ng NBA’s outdoor exhibition game.

Sa kabila ng mainit na panalo ay hindi nasira ang diskarte ng Suns kung saan nakapagposte pa ito ng lamang na 36 points sa third quarter.

Samantala, si Steve Nash ay nagdagdag ng 15 points para sa Suns. Si  Jose Barea ay umiskor naman ng 13 para sa Dallas habang si Caron Butler ay kumana ng 12.

Hindi nakaporma si Mavericks star forward Dirk Nowitzki na naglaro nang wala si coach Rick Carlisle.

Ang Houston Rockets naman ay tinalo ang Indiana Pacers 126-92 kahapon din.

Lumaro si Yao Ming ng China kaya hindi nakaporma ang kalaban sa second half pa lamang ng NBA basketball game.

Sa ibang laro, nananatili namang unbeaten ang Memphis Grizzlies nang gibain sa pamamagitan ng 97-90 victory ang New Orleans Hornets.

Samantala, ang 3-pointer ni Stephen Graham ang nagligtas sa New Jersey Nets laban sa Philadelphia 76ers, 90-89.

Pumasok ang huling tira ni Graham sa malayong tres na siyang nagpanalo sa grupo may oras na 12.5 seconds ang nalalabi.

Ang panalong ito ay pangalawa ng Nets (2-1) laban sa Philadelphia (0-3) sa ilalim ng bagong coach. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply