Heavy training ni Margarito, tapos na

Tinapos na kahapon ni dating world champion Antonio Margarito ang kanyang heavy training na kabaligtaran naman ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao na ngayo’y sumasabak sa malupit na ensayo sa Wild Card Gym sa California.

Ayon kay Robert Garcia, chief trainer ng Team Margarito, ngayong araw ang huling sparring day at pagtutuunan na nila ng pansin ang sharpening at ibababa na nila ang antas ng kanilang training.

Dagdag pa ni Garcia, tapos na ang heavy training phase ng ensayo at ang pagsasaulo na lamang ng fight plan ang kanilang susunod na hakbang.

Kabilang sa mga naging sparring partners na si Margarito sina dating 2000 Olympian Ricardo Williams, Karrem Carlos Martinez, Cloetis Perdarvis at Austin Trout.

“I’ve told everybody that talks me that I feel very confident about this fight. I see it in Margarito too, he feels very confident also. Everyday he keeps pounding away and he says he feels even better than before he knocked out Miguel Cotto,” pahayag ni Garcia.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply