Hello Garci generals pinakakasuhan ng Magdalo

HINILING  ng dalawang dating opisyal ng Philippine Marines na panagutin ang lahat ng heneral na sangkot sa malawakang dayaan noong 2004 presidential elections na bukod sa nakakuha ng malalaking benipisyo pagkatapos magretiro, naitalaga pa bilang embahador.

Sa kanilang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on peace and unification, sinabi ni dating Marine Gen. Danilo Lim at ret, Col. Ariel Querubin na dapat muling buksan ang naturang dayaan na maaaring magsimula sa pagbubuklat ng Mayuga Report.

“Yung  nangyari noong 2004 na dayaan, nagkaroon tayo ng bogus president. In that dayaan, some people in the military allowed themselves to be used and in the process, the institution was prostituted. Yung  mga nakinabang dun, kumita, nagpagamit, all those who got promoted, even hanggang retirement na may mg ambassadorial post pa. They have to be made accountable and responsible. We can start with the Mayuga Report, hanggang ngayon even a water down version of that report, has not been made public,” giit ni Lim.

Sinabi pa ni Lim na hindi maghihilom ang sugat na nangyari sa hanay ng militar ilang taon na ang nakararaan dulot ng maling pamamalakad ng nakaraang administrasyon, hangga’t hindi natutugunan ng Aquino administration.

Sinusugan naman ni Querubin ang pananaw ni Lim dahil damang-dama pa ng sundalo ngayon ang lamat na nagpabitak sa hanay ng Sandatahang Lakas noon kaya’t maghihilom lamang ito kung magkakaroon ng tunay na pagbabago sa militar.

“We were misgoverned for nine years, at nakita natin lahat kung ano epekto noon at  yun ang gusto namin na mabago sana at mabigyan ng lunas para ang susunod na magiging president ay makakatulog naman nang mahimbing dahil ang loyalty ng Armed Forces nasa kanya palagi.,” patapos ni Querubin. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply