HGC ipinauusig sa Kamara

PINASISIYASAT sa Kamara ng isang baguhang mambabatas ang nahalungkat na bilyong-pisong anomalya sa Housing Guaranty Corporation (HGC) na nagsimula noon pang 2002.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ay hiniling ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy sa House committee on  housing and urban development ang full-blown investigation sa pagkalugi ng HGC sanhi ng mga kwestyunableng transaksyon na pinasok ng mga opisyal nito.

“Transactions entered into by the Home Guaranty Corporation has put the national government in a highly disadvantageous position,” wika ni Herrera-Dy.

Tinukoy ng mambabatas ang ulat ng Commission on Audit na nagsasabing bukod sa mali ang pamamalakad sa naturang ahensya ay maraming anomalya dito kabilang ang mga kwestyunableng pagbebenta ng mga ari-arian nito.

“The COA alleged that the losses were due largely to mismanagement by HGC officials – mainly sale of corporate properties way below market prices,” dagdag ni Herrera-Dy.

Kabilang sa mga anomalyang nahalungkat ni Herrera-Dy sa HGC ay ang pagbebenta sa may 2.8 ektaryang pag-aari ng gobyerno sa Vitas, Tondo, Maynila, sa La Paz Milling Corporation sa halagang P384,715,800 o P13,000 kada square-meter na sobrang baba kumpara sa market value na P506,205,000 at P694,224,000. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply