Hi-tech na sapatos ipinagbawal sa NBA

MARIING ipinag-utos ng pamunuan ng National Basketball Association (NBA) ang pagbabawal sa mga atleta na magsuot ng bagong disenyo ng  sneakers o rubber shoes na mayroong makapal na suwelas.

Ayon sa NBA, dahil sa bagong disenyong ito ay magkakaroon ng pagkakataon ang magsusuot nito ng mataas na lundag.

“Under league rules, players may not wear any shoes during a game that creates an undue competitive advantage,” pahayag ng NBA.

Sa ibinebentang produkto ng athletic propulsion labs na nagkakahalaga ng $300, ang sapatos na ito ay may taglay na  spring-based system na  nakakapagpataas ng lundag ng isang player.

Ang Los Angeles-based company ay ipinundar ng kambal na sina Adam at Ryan Goldston, parehong dating USC basketball walk-ons na ang ama’y nagtrabaho noon sa industriya ng sapatos.

Ayon sa magkapatid, umaabot na sa 30 porsiyento ng mga NBA players ang nagpahayag ng interes sa kanilang disensyo ngunit hindi nila pinangalanan ang mga ito. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply