Hiling ni Aeric P. Bernardino

NANANAWAGAN ang isang mambabasa na maisulong ang pagsulat at pagpapalimbag ng Filipina Encyclopedia na magtataglay ng bunton ng kaalaman hinggil sa Pilipinas—lahat ng mga kuntil-butil kaalaman na humubog sa taumbayan at bansa.

Lahad ni Aeric P. Bernardino ng Caloocan: “I firmly believe that we’re capable of putting together such an encyclopedia. This project will uphold and affirm our “Filipinism” and earn for us the respect of other nations. This will also serve as a unifying force, define more clearly our national identity and keep burning the fire of patriotism and nationalism in the hearts of Filipinos here and abroad. The encyclopedia will provide glimpses into our heritage.”

T-teka, kabilang ako sa mga nagbuklat noon pang dekada 1960 ng Encyclopedia of the Philippines na binuno’t binuo ni Zoilo M. Galang, kauna-unahang Pinoy na sumulat ng nobelang English, Child of Sorrow… baka may sipi pa nito sa Pambansang Aklatan.

May nakauna na.

Pasintabi na sa ‘yo, hijo, pero kahit ‘yung santonelada yatang bunton ng Encyclopedia Britannica at Encyclopedia Americana na kasama sa aming aklatan, naipamigay na…

Mas matindi kasi ang malalim at matalim na pang-unawa, masinop at malawak na pananaw… ‘yung tinatawag na sentido kumon at lapat-kamay na kaalaman.

Gano’n lang ang isinalin ko sa mga supling… isasalin muli sa mga apo… say, information is “in-formation,” or a shaping, forging within.
Nasalanta ang mga musmos pang katawan nila nang hubugin noon sa mga aralin ng lapat-kamay na gawain—na batay sa kasanayan sa karatedo, jujutsu, sikaran at gamit sa samut-saring kasangkapan sa paghahalaman, pagluluto, pakikilaban. Dong delos Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply